KHEILANIE
Ang dami ko ng nabili at pinadala sa palasiyo na mga tela pero kulang pa rin iyon sa mga kakailanganin ko.
Hindi ako kontento.
Kailangan ko pa ng mga tela dahil marami pa akong gagawin! "Tapos na ang wedding gown ni Ate Mora... Pati na rin ang suit ni King Caliber, pero kailangan pa ng kaunting alteration... Even Khally, Viera, and my twin's pillars are done-Oh my gosh! 'Yong kambal ko! Hindi pa tapos iyong kay Khana! Paparating pa siya ngayon! Huhuhu!" I panicked and started hunting designs for my sister's gown once more.
I have an outline to her outfit, but it wasn't enough to showcase her distinct personality. Argh! What kind of seamstress am I if I couldn't make a perfect dress for my sister!?
Nang madagdagan ang mga disenyong binili ko ay dumiretso ako sa counter kung saan si Manang Ellah ang nagbabantay ngayon. "Princess Kheilanie! Ang dami naman niyang kukunin mo?! Kaya mo bang dalhin 'yan sa palasiyo ninyo?" Nerbiyos na salubong sa akin ni Manang Ellah sa counter.
Ibinaba ko ang mga bibilhin kong mga tela sa harapan niya. Grabe ang sakit ng likod ko! Sana andito si Khana para buhatin itong mga binili ko. Inilabas ko naman ang pambayad ko at inabot kay Manang Ellah. "Kailangan ko po ito. Para sa negosyo tapos sa kasal ni Ate Mora."
"Mukhang tambak ka na sa trabaho, iha. Nakakapagpahinga ka pa ba?"
Tumawa ako at tumango. "Papahinga po ako after kong tapusin iyong damit ng kambal ko at sa mapapangasawa ni Ate Mora."
"Papauwi na ang heneral?"
"Yeah, uuwi na si Khana."
"Mabuti naman at papauwi na ang heneral natin.-Ay! Jusko kang prinsesa ka! Kaya mo ba talaga dalhin 'yang lahat?"
I flex my muscle on my arm and pat it. "Kayang kaya ko ito, Manang Ellah. Akong bahala."
Umiling-iling siya na nakangiti. "Mukhang hindi, e. Tatawagin ko 'yong isang kasamahan ko para buhatin 'yan para sa'yo, iha. Ayokong mahirap ang prinsesa namin."
Tatanggapin ko na sana yung alok pero may naalala pa ako. "Hindi na po talaga. Ako na lang. Kaya ko 'to."
"P-pero-"
"Salamat ulit, Manang Ellah!" Dali akong lumabas sa kaniyang botika na dala lahat ng pinamili ko.
Last na talaga 'tong bibilhin ko. Next month na ulit dahil may mga stocks pa ako.
Last nga ba, Khei?
Pinagtitinginan ako ng mga mamamayan at nag-alok ng kanilang serbisyo na tulungan ako sa pagbuhat ng mga gamit ko. Tumanggi lamang ako at sinasabihan silang kaya ko ito. Napasimangot ang iba at nagpasabi na kung kailangan ko raw ng tulong ay tumawag ako kahit sino sa kaniya. Ang iba naman ay nababahala.
I may look weak and fragile because of my outfit, but I train myself to be strong and independent. I can carry my workload on my own. Kaya naman nginingitian ko sila at pinapakitaan na kaya ko naman buhatin ang mga pinamili ko. Pagkatapos n'on ay pumunta na ako sa huling botika na pagbibilhan ko.
Pinagbuksan ako ng pinto ng may-ari tapos pinalagay sa tabi ng counter mga dala ko. "Babantayan na lang namin 'to, Prinsesa Kheilanie. Nawa'y makahanap kayo ng mga nais ninyo na damit o tela rito sa aming munting botika." Masayang saad ng may-ari.
"Ah! Oo naman ho! Isa ito sa mga paborito kong botika na pinagbibilhan."
"Maraming salamat po, Prinsesa Kheilanie. 'Saka po, may bago kami ngayon na mga tela. Baka gusto ninyo hong makita?"
"Talaga ba? Naku! Maraming salamat po talaga. Pasensiya na, ah? Hehe! Minsan ang laki kong abala." Nag-aalala kong sabi sa kaniya tapos tinuro ang mga dala ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/245090217-288-k628335.jpg)
BINABASA MO ANG
The Tailor Princess [Wainwright Series 2]
Fiction HistoriqueCTTO Photo: m.vk.com Cover design by: Janedelle Joy Labiano Started: March 1, 2021 Ended: April 30, 2021 Tapestry are weaved perfectly, like the gifted Athena she is. 🪡🪡🪡 Isang trahediya ang nagpabago sa buhay niya ngunit nay pag-asang nag-iba ri...