Credits to the original owner of the photo above. Photo is used for reference of the story.
🪡🪡🪡
KOHLEN
Pagkarating ko sa cathedral nasa labas ang mga magulang ko. I welcome them all and gave them a warm hug maliban kay Xio na tinutukso ako ng gago.
"Nakaano na ba kayo?"
Aba! Loko ang isang 'to!
"Gawain mo 'yan, Xio, hindi ako. Mahal at nirerespeto ko magiging asawa ko!" Suway ko sa kaniya. Humagalpak siya at pinagtinginan kami na pamilya. Si Ina ay tinampal ang bibig ng magaling kong kapatid at nagpigil naman ako ng tawa.
"Kohlen," sabay tapik ni Ama sa aking balikat. "I am happy that you are settling down. Lalo na sa isang Wainwright. Akala na namin hindi mo sila pagbibigyan dahil sa ayaw mo sa kanila noon." Saad ni Ama. May halong lungkot at galak sa tono ng kaniyang boses at napatango lang ako.
Akala ko nga rin hindi Wainwright bagsak ko. Pero sa huli isang Wainwright ang pakakasalan at mamahalin ko ng buo.
"Ang mabuti kamo nagtino 'yan dahil sa mga Wainwright." Singit ni Ina sa usapan namin at ngumiti ng malapad. "I am more than happy to see you getting married. Noong una pa lang kasi bagay talaga kayo ni Kheilanie," para siyang teenager na kinilig at kinunutan ko siya ng noo.
"Sinasabi niyo? Ina, three years ago ko lang nakilala si Kheilanie." Pagpapaalala ko sa kaniya.
Sabay silang umiling ni Ama, "You already met when you were kids. Siguro nalimutan mo na kasi bata ka pa nga at dumaan kayo sa trauma ni Codhille."
"You mean the abduction?"
"Oo," nanahimik lang ako at pinakinggan ang kwento ni Ina. "Cordilliea and her family brought you back to us, dahil nga nagkasalubong kayo sa bayan at buhat mo si Codhille sa iyong likod. Ilang linggo nanatili sa ating palasiyo ang mga Wainwright dahil sa isang alyansa na meron kami sa kanila at sa pagtulong sa inyo na makauwi. You were always down during those weeks. Because Codhille was healing from the poisons he got. Wala kang makausap at kulitin noon, maliban kay Kheilanie. Siya lang ang tanging nalalapitan mo kasi ang panganay ay sinusungitan ka, habang ang kambal ni Kheilanie ay laging nasa kwarto ni Codhille at nagkukwento. Pero tinatakbuhan ka lagi ni Kheilanie tuwing lumalapit ka sa kaniya. Ang cute mo nga kasi umiyak ka pa dahil ayaw makipaglaro sa'yo ni Kheilanie. Sinabi mo pa sa harap ng kaniyang Mamá na may balat ka sa pwet. Hahaha!"
Gusto kong iuntog ang ulo ko sa pader. Nakakahiya naman itong kwento ni Ina. Hindi man lang nahiya na ikwento iyon sa akin eh ang daming bisita pang nakikinig.
"Hon, naalala mo rin ba yung binibigyan ni Kheilanie si Kohlen ng juice kasi pinilit siya ni Cordilliea?" Pagpapaalala ni Ama.
Hindi ko na talaga maalala ang mga sinasabi nila. Palibhasa ang tagal na n'on. Nakakainis kasi matagal na pala iyon!
"Ah! Oo nga! Nakakagigil silang dalawa noon. Dahil sa juice na 'yon nagkaroon ng first kiss din si Kohlen at sinabihan pa si Kheilanie na ang cute niyang manika." May palakpak pa si Ina at bumaling ang tingin ko kay Xio na nakatalikod pero nahahalata na tumatawa siya kahit hindi naririnig.
"Ina!" Suway ko sa kaniya.
"Promise! Ang cute! Pagkabigay kasi niya ng juice sa iyo ay sinabi mong ang cute niyang manika. Nag-away kayong dalawa dahil doon, e. Tapos ito namang si Cordilliea, eh, kinunsinti ang anak niya na mag-sorry at i-kiss ka sa cheeks. Ginawa niya naman, pero malikot ka masyado noong panahon na iyon, kaysa sa pisngi ka halikan pagkatapos niyang humingi ng tawad, sa labi ka niya hinalikan. You were shock and all red. Ako naman ang sumunod na kumunsinti kay Kheilanie na isa pang kiss at ayon hinimatay ka na."
![](https://img.wattpad.com/cover/245090217-288-k628335.jpg)
BINABASA MO ANG
The Tailor Princess [Wainwright Series 2]
Historical FictionCTTO Photo: m.vk.com Cover design by: Janedelle Joy Labiano Started: March 1, 2021 Ended: April 30, 2021 Tapestry are weaved perfectly, like the gifted Athena she is. 🪡🪡🪡 Isang trahediya ang nagpabago sa buhay niya ngunit nay pag-asang nag-iba ri...