TAILOR 18: Cousins Lovefest

170 12 0
                                    

KOHLEN

Sa loob ng dalawang araw napalapit na ako ulit kay Kheilanie. Sinasamahan ko na siyang bumili kahit tinatamad ako. Wala naman siyang mautusan na samahan siya at wala naman akong magawa sa palasiyo nila kaya ako na sumama sa kaniya.

Smooth? Maybe.

Is this something serious? Not exactly.

But do I want something beyond this? I don't know yet...

"Kohlen, tignan mo 'to, o!" Masayang aniya nito sa akin habang hawak ang isang bestida na pang-manika ang dating. It looks vintage in the same time medieval. "Ganda diba?"

Lumapit ako sa kaniya at pinitik ang noo nito. "Stop it! Hindi maganda sa'yo."

Nag-pout siya at binalik ang bestida sa kung saan niya kinuha rito sa botika. "Tatanong lang naman kung maganda o hindi. Ang kontrabida mo!"

Humalakhak ako at ginulo ang buhok niya. "Hindi naman sa kontrabida pero slight lang."

Hinampas niya ang balikat ko at binelatan. "Ewan ko sayo, Kohlen!" Lalayo na sana ito nang higitin ko siya pabalik sa tabi ko. "Ano?!"

"Nagtatampo ka na naman prinsesa. Ito talaga hindi mabiro. Maganda yung bestida," Pero mas maganda ka. Gusto kong idagdag pero huwag na.

"Talaga?"

"Pero hindi bagay sa'yo." Kasi mas bagay tayo.

"Kohlen naman! Nakakainis ka talaga!" Pagtatampo ulit niya kaya bago pa siya makalayo sa akin ay inakbayan ko na. "Kohlen!"

"Aish! Matampuhin ka masyado, halina't lumipat sa kabilang botika. Gusto ko na matapos ito para makabalik tayo sa palasiyo." Birong saad ko.

"Ayaw mo bang andito tayo sa labas?" Malungkot niyang tanong sa akin kaya kinabahan ako. "Hi-hindi naman."

"Pero bakit gusto mo nang bumalik sa palasiyo? Wala ka rin lang gagawin doon." Pahina ng pahina ang boses niya at kinailangan ko pang ilapit ang mukha ko sa kaniya upang marinig ito. "Huwag muna natin madaliin Kohlen, please?" Naramdaman ko bigla ang pagdampi ng labi niya sa pisngi ko nang balingan ako nito ng tingin.

Nilayo ko ng kaunti ang mukha ko at hinarap siya na nanlalaki ang mga mata ko.

Pati rin siya ay hindi makapaniwala sa ginawa niya kaya naman napalipat ang tingin ko sa labi niya na ang gandang titigan at halikan.

Halikan? Kohlen akala ko ba ayaw mong maikasal sa Wainwright? Bakit gusto mo naman itong halikan?

Ilalapit ko na sana ang mukha ko sa kaniya ng itulak niya ang mukha ko palayo at umiwas. "Next boutique and we will go back!" Umalis siya sa pagkakaakbay sa akin at naunang lumabas.

Ginulo ko naman ang buhok ko kasi may namumuo na namang pakiramdam sa puso ko na hindi ko maintindihan.

"Mawalang galang na iho, manghihimasok ako sa kung ano man relasyon ninyo ng prinsesa," Nilingon ko ang nakikipag-usap sa akin na matanda na may ngiti sa kaniyang mukha. "Ibili mo na lang siya nito o kung ano ang nais niya na damit."

"Po?"

"Nireregaluhan kasi namin siya dahil suki ito rito pero tinatanggihan niya. Lalo na kung hindi niya mismo binili. Dapat daw ay binili niya mismo iyon para makatulong sa amin."

Dumako ang tingin ko sa damit na nagustuhan niya kanina at tumango ako sa matanda.

"Ibabalot ko na ito, iho. Paki bigay na lang sa aming prinsesa, ha? Maraming salamat." Pumunta sa counter yung matanda at pinabalot niya ang bestida. Sumunod ako sa kaniya roon at hinintay sila matapos at mabayaran ko. Nang matapos na at babayaran na sana ito tinanggihan ng matanda. "Huwag na, iho."

The Tailor Princess [Wainwright Series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon