KHEILANIE
Pagkalabas ko ng botika saka ko napansin na katabi pala nito ay isang bar. Mukhang nagkaroon pa ng kaguluhan. Sinubukan kong alamin ang pangyayari pero harang itong buhat kong mga gamit sa pagsilip ko sa kaganapan.
"Khanarie?" Pinaningkitan ko pa ito ng tingin at tinitigan ng mabuti ang babae. The same height. Same hair color. Same body structure.
Hindi ako namamalikmata.
Oh my gosh! My twin is back! She is back!
May magbubuhat na ng gamit ko! Lord, mahal niyo talaga anak ninyo. I'm very thankful. Maraming salamat po talaga.
"KHANARIEEE!!!" Tili ko at tumakbo patungo sa kaniya. Kaysa salubungin ako nito ng yakap ay hinayaan niya akong mapatid at masubsob sa tabi ng bangketa ng Awi. Ang dami pang tao na nakakita ng pagkahulog ko. Pinahiya niya ako sa madla. Ang sama sama talaga niya!
"Ang sweet mo! Alam mo 'yon?" I sarcastically said.
Nakakagigil siya, ah?! Para namang hindi niya ako kapatid. Huhuhu! Mukha akong lupa, tapos siya idinukdok sa ilalim ng lupa dahil sa kasamaan ng kaniyang ugali. Kainis!
Pumorma pa siya nakapameywang sa harap ko na may tuwa sa kaniyang mata. "I know I'm sweet." Pwede bang umirap? Grabe talaga 'to! Sadistang nilalang.
Inilahad niya ang kaniyang kamay kaya tinanggap ko iyon. Kumirot ang dibdib ko nang maalala kong nakakalat na ang mga pinamili ko. Huhuhu! My wonderful materials!
Isa isa kong dinampot iyo at binalik sa kahon. Babawian kita Khana! Mark my words!
"Anong ginagawa mo rito? Are you playing the savior?" I mock her.
Nagkibit-balikat siya. "Madaldal ka masyado. Saan pala lakad mo? Maggagabi na, ah? Tapos bakit ang dami mong dala?" Balik na tanong niya sa akin.
Ay mariá! Ngayon niya pa napansin na ang dami kong dala. "Uuwi na!" Singhal ko sa kaniya. Naku! Kaunti na lang Khana at maiirapan kita.
"Uuwi ka? Dala mga 'yan?" Tinaasan niya pa ako ng kilay.
She really got on my nerves. I shut up. I can't get myself to argue with her anymore. It is not worth the banter.
"Tara na, samahan kita. Uuwi na rin ako." Napakurap ako ng mabilis nang kargahin niya ang isang kahon na dala ko.
Kahit naiinis ako sa kaniya ngayon ay nais kong magpasalamat ulit sa Panginoon dahil dinala Niya si Khana sa harap ko. Siya na bahala sa mga gamit ko. Iyan ang pambawi na lang niya sa akin.
Binuhat ko naman ang mga rolyong tela na nagkalat sa daan ng bangketa. Masaya naman akong sumunod sa kaniya dahil sa gaan ng dala ko.
"Pwedeng sumabay sa inyo?" Tanong ng isang lalaki na katabi namin. Natulala naman ako sa lalaking nagtatanong.
He is cute. His smile is dazzling.
Woah! Napapa-ingles ako ng wala sa oras. Milagro na ata siya sa buhay ko. Tinignan ko siyang mabuti at hindi natiis na tignan ang insignia niya sa kaniyang damit.
A prince! Does Khana know he is a prince?
Bumaling ako ng tingin sa kambal ko na puno ng kaba. Nawa'y gabayan kami ng Diyos. Ayokong may mangyaring hindi maganda ngayong kababalik niya rito.
"You were at the Wainwright Palace a while back. Why do you want to come along if you are about to leave town?" Ang maldita! Nakakahiya!
"Ah. Hindi mo kasi kami pinatapos. Sasabihin ni Codhille na babalik kami sa inyo, hindi pa kami uuwi sa aming lugar."
![](https://img.wattpad.com/cover/245090217-288-k628335.jpg)
BINABASA MO ANG
The Tailor Princess [Wainwright Series 2]
Fiksi SejarahCTTO Photo: m.vk.com Cover design by: Janedelle Joy Labiano Started: March 1, 2021 Ended: April 30, 2021 Tapestry are weaved perfectly, like the gifted Athena she is. 🪡🪡🪡 Isang trahediya ang nagpabago sa buhay niya ngunit nay pag-asang nag-iba ri...