TAILOR 32: Their Plans

134 13 0
                                    

KHEILANIE

When Khana return, nagkaroon muli nang mabigat na tensiyon sa pagitan niya at si Papá. Hindi man obvious sa lahat, pero sa akin alam ko ang totoong dahilan. Khana can't hide anything from me. We're attach to the hip. We have a connection.

Nang lingunin niya ako ay umiling ito sabay ngiti. Ha, she read my mind again, I said to myself.

"Anong iniiling ng kambal mo, Khei?" Tanong ni Kohlen.

Napabuntong-hininga ako't inilingan siya. "Sa aming dalawa muna 'yon."

"Hindi ko ba talaga pwedeng malaman?" Umiling ulit ako.

"Papá, tomorrow we will end this feud with the Unverferth," my jaw dropped by her announcement. I look at Papá whose eyes softens in dismay. He just managed to see his daughter again, but to lose her for another fight. 

"Are you sure? Pwede mo naman palipasin ng dalawang araw. Kakabalik niyo lang rito. Mapahinga na muna kayo," pangungumbinsi ni Papá. 

"I am sure about this. Kailangan na itong matapos." Khana's hands balled and smiled irritatingly. "I have been away for too long. I want to avenge my family and my people. Tumapak sila sa teritoryo natin na wala ako. Muntik pa kayong mapahamak dahil sa kanila. Hindi ko palilipasin iyon."

I'm happy that her love for her family doesn't change. Ang dami na kasing kasalanan si Papá sa kaniya pero iniisip pa rin niya ang pamilya namin. Ngunit nais lang namin na makapagpahinga na muna siya.

"Codhille, reserve a meeting tomorrow with the pillars and heads. As of tonight, mag-iisip tayo ng plano sa gagawin natin. There's no time to waste."

"Affirmative, General Wainwright."

"Good."

Nagulat ako sa paghigpit ng akbay sa akin ni Kohlen. "Bakit, Kohlen? Ang higpit naman ng pag-akbay mo.."

Binasa niya ang ibabang labi niya bago sumagot. "Hindi ko lubos na aakalain na makikita ko silang magkasama na dalawa."

"Sino?"

"Those two," ngumuso siya sa direksyon nina Khana at Codie. Nagsama na ang powerhouse couple. Dapat magplano na rin sila ng kasal nila. Gusto na rin ni Codie ng pamilya, e."

Siniko ko siya sa tagiliran niya at napa-aray ito. "Not now, Kohl. And don't provoke Khana. Kapag ikaw narinig niyan lagot ka sa kaniya."

"I am telling the truth, Khei."

"And I do, too," I remarked. "Tsaka hindi lang isa ang kikitil sa buhay mo sa mga sinasabi mo. Kundi dalawa." Banta ko sa kaniya.

"Huwag naman ganiyan! Gusto mo akong mamatay?"

He's being dramatic again! Wala na siyang magawa sa buhay niya. "Tumigil ka kasi!"

"Hmph! Nakakatampo ka naman, reyna ko."

"Ang tampuhin mo naman, Kohlen. Binibiro ka lang naman!"

"Hindi magandang biro 'yon! Paano na lang kapag nagkatotoo? Edi hindi ko makakasama ang mag-ina ko?" He pouted. Ang cute talaga niyang biruin hanggang sa mapikon siya. I pinch his cheek and gave him a peck on the lips. 

"I'm sorry. Hindi ko na uulitin." Pinaningkitan niya ako ng mata hanggang sa bumigay ito at nag-pout ulit.

"Let's have dinner then. I bet everyone is starving." Papá announce.

Lahat kami ay tumango at nagtungo sa dining hall. We ate in peace at pinilit kong magkwento si Khana tungkol sa mga pinagdaanan niya noong nakaraang apat na taon. Ang sagot niya lang ay "isda" at "dagat".

The Tailor Princess [Wainwright Series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon