04

2.1K 89 7
                                        

WARNING: It contains scenes with themes, language and sex.

-------

Gumising si Jelay na magaan ang pakiramdam.
Nakita nya kung gaano kasaya ang ina at ama nya na nagbre-breakfast.

Hindi nila alam kung sinong nagbayad sa mga utang nila at tumubos sa resort pero lubos na nagpapasalamat daw sila.

Nakita ni Jelay ang kaginhawaan sa muka ng mga magulang. Maaliwalas iyon. Kahit na di tulad ng dati na may mga hotel and resorts sila ay okay na rin. May naiwang isang resort sa kanila at wala ng babayaraang utang pa.

Ngayon naiisip ni Jelay na parang utang na loob nya lahat ito kay Kaori.
Naging totoo ito sa salita nya na isang pirma lang ni Jelay ay mawawala na ang problema nito sa pera.

Hindi na ako mag-aalala sa kalagayan ng lolo ko, hindi na maghihiwalay ang magulang ko at makakapag-aral na ako na walang iisipin na babayaran.

Masaya silang tatlo na nagsalo salo sa hapag ng umagang iyon. Nangako ang ama ni Jelay na hindi na ito magsusugal pa kahit kailan. Magsusumikap na lamang ito sa buhay niya para muli silang maka-ahon.

Pumasok sa school si Jelay na nakangiti. Magaan ang pakiramdam.

"Karina!! Lie!!" masayang bati niya sa mga kaibigan..

"Ate Jelay! Ang blooming mo ngayon!" ngiting puna sa kanya ni Karina.

"Nitong mga nakaraang araw ba muka akong haggard? Haha" patawa tawang biro ni Jelay

"Oo kaya! Haha" sagot ni Karina at nagtawanan sila ni Lie.

Bumusangot na lang si Jelay at nag-rolled eyes pero mabilis din ngumiti tapos nakitawa.

                                                    

Nagkukwentohan sila magkakaibigan tungkol sa favorite KDrama nila na pinapanuod habang naglalakad sa hallway ng makasalubong na naman nila ang grupo ng mga elitista.

"Bakit ba lumiliit mundo namin ni Kaori lately?! Argh"

"Hi girls! Hi Kare! Hi Jillian! Hi! Ahmm?" hindi alam ni Jethro ang pangalan ni Lie kaya di nya alam anong itatawag dito.

"Angelie pero Lie na lang!" magiliw na sagot  ni Lie at nakipag-kamay pa kay Jethro. Malugod na kinuha ni Jethro ang kamay nya at hinalikan ang likod ng palad nito.

Halata naman pamumula ni Lie at pagpigil sa kilig.

"Birthday mo next week Aljon diba? Why don't you invite this beautiful ladies?" tanong ni Jethro kay Aljon na nag-iiwas ng tingin kay Karina.

Hindi alam ni Jethro na mag-ex si Karina at Aljon dahil hindi inaamin ni Aljon na may babaeng nakipagbreak sa kanya.

Tumawa naman ng mahina si Angela.

"I don't think Brienne would love that idea.." tumingin si Angela kay Jelay mula ulo hanggang paa na parang minamaliit.

"May problema ka ba sakin?!" maangas na tanong ni Jelay dito dahil hindi nya nagustohan ang pagtitig nito.

Tinaasan naman siya ng kilay ni Angela.

"Ew. So cheap! No class at all" maarteng sagot ni Angela at nagtawanan sila ni Reign.

"Edi wow! Pwet mo may bangaw! May klase kami nuh! Kayo itong istorbo na humaharang sa amin" pahayag ni Jelay na hindi napigilan ni Aljon, Jethro at Kaori matawa.

Napanganga na lang si Reign at Angela sa inasta nito.

"Don't worry. We don't have interest on your party." mataray na pahayag ni Karina na inirapan pa si Aljon.

Bondwoman (JELRI FANFICTION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon