23

1.5K 64 13
                                        

Nagsimula na ang pasukan. Medyo busy kaming dalawa ni Kaori dahil sa intern. Madalas ay tatlong beses na lang kami magkita sa loob ng isang linggo.

Badtrip ako sa OJT ko ngayon dahil napagalitan ako kaya pupuntahan ko si Kaori sa condo nya para naman gumaan pakiramdam ko.

Kaso pagdating ko dun wala siya. Tinawagan ko na lang siya pero di nya sinasagot. Napanguso naman ako. Lalong nadadagdagan ang pagod ko.

To: Bibi Love
Mahal, nasaan ka? Nandito ako sa condo mo.

Habang naghihintay ng reply nya ay naghanap ako ng mga pwedeng lutuin sa ref nya pero walang laman.

Nakalimutan niya bang mag-grocery?! Tsk. Sabi nya last week mag-grogrocery siya.
May extrang pera pa naman ako dahil maayos naman ang kinikita ng resort namin ngayon kaya nabibigyan ako ng allowance. Nagpa-deliver na lang ako ng kakainin namin.

Dumating na ang pinadeliver ko wala pa ring reply si Kaori at di pa rin siya nasagot sa tawag ko.

Naghintay ako ng isang oras pa bago siya magtext.

From: Bibi Love
I'm sorry. I will go home late. Ako na lang pupunta sayo, Love if i have free time.

Napabusangot naman ako sa sagot nya.
Impossible namang hindi pa sya tapos sa OJT nya!! 8am-5pm yun. E 9pm na ng gabi! Inuna niya na naman ang gala.

To: Bibi Love
Bakit? Nasaan ka? Ano ginagawa mo?

Nakabusangot akong nag punta sa closet nya at kumuha ng sweater nya para suotin. Yun na lang sinuot ko para pakiramdam ko yakap nya ako at marelax naman ako.

Mag-isa akong kumain at naghintay na baka maisipan nyang umuwi pero alas onse na ng gabi wala pa rin siya.

Bagsak balikat na akong umuwi sa amin. 8am din kasi ang pasok ko bukas kaya kailangan ko na rin magpahinga.

Pagkagising ko ay binuksan ko agad ang cellphone ko para tignan kung nagtext si Kaori.

From: Bibi Love
Just got home, Love.
Sent 3:23am

ANO?! Ala tres ng madaling araw siya umuwi tapos may pasok pa siya ng 8am kaya kailangan nyang gumising ng 6:30am. Halos wala na siyang tulog tapos di nya man lang sinabi kung saan siya galing at anong ginawa niya.

Itetext ko na sana siya ng makatanggap ako ng text mula sa kanya.

From: Bibi Love
Getting ready for morning duty. I ate what you left last night.
Sent 6:26am

My Gosh! Nagpupuyat siya at pinapagod nya sarili niya.

To: Bibi Love
Bakit late ka na umuwi kagabi?

Naghihintay ako ng reply nya habang naghahanda na rin sa pagpasok pero wala kaya tinext ko ulit siya.

To: Bibi Love
Mahal, busy ka na ba?
Sent 7:34am

Hanggang mag duty ako ay walang text si Kaori. Nakakainis! Panay ang tingin ko sa cellphone ko tuloy..

"Ms. Pilones! Will you stop looking at your phone and focus?!" pagalit sakin ng humahawak sa mga intern.

"Yes Ma'am. I'm sorry.." tinago ko na ang cellphone ko para makapag focus na rin. Pagdating ng lunch ay wala pa rin siyang text..

Ano bang pinag kakaabalahan nun?! Nakakainis ah..

Badtrip ako buong araw dahil sa intern ko. Iba talaga kapag intern ka pa lang, mamaliitin ka na nga gagawin ka pang alipin. Idagdag pa ng hindi ako kino-contact ni Kaori.

Bondwoman (JELRI FANFICTION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon