02

2.3K 87 10
                                        

Problemado si Jelay dahil malapit na siya lumagpas sa promissory note nya pero wala pa rin syang pambayad. Puro buntong hininga lang ginagawa nya hindi na siya makapag-focus sa klase nya.

Calling the attention of Jillian Pax Pilones. Go to guidance office now.

Napatingin si Jelay sa speaker na narinig. Pinapatawag siya sa guidance office.

"May tatlong araw pa ako ah? Tsaka kapag ba hindi makapag-bayad sa tuition pinapatawag sa guidance?" takang tanong ni Jelay sa sarili.

Nagpaalam siya sa Professor na pupunta ng guidance at agad naman siyang pinayagan nito.

Habang patungo sa guidance office ay hindi nya mapigilang kabahan..

Dahan dahan niya pinihit ang doorknob ng opisina at sumilip dun.
Nakatalikod mula sa kanya ang swivel chair ng guidance councilor kaya hindi nya ito nakikita.

"Pinapatawag nyo daw po ako?" magalang na tanong nito.

Pagkaharap ng upuan sa kanya ay agad kumunot ang noo niya.

"Ano ginagawa mo dito?!"

"Calm down, Ms. Jillian Pax. Ako lang ito!" nakangising sagot nito

"Nasaan ang guidance councilor? Bakit ikaw ang nandito?" mas kalmadong tanong nito sa kausap kahit na naiinis na siya.

"Take a sit, Ms. Jillian" magalang na sagot nito at tinuro pa kay Jelay ang upuan.

Naupo naman si Jelay dito at hinintay ang sasabihin ng kausap.

"May i-offer ako sayong deal." nakangiting pa-umpisa nito

"At ano ang pumasok sa isip mo para isiping papayag ako?" mataray na sagot ni Jelay.

"Because you need it." kampanteng sagot nito

"FYI Ms. Kaori Brienne kahit kailangan ko hindi ako lalapit sayo!" simula ng taasan siya ng kilay nito ay uminit na ang dugo niya dito. Lalo na ng magka-engkwentro sila sa Cafeteria nung nakaraang araw.

"Let me discuss it to you first" kalmadong sagot nya

"Wala akong oras para sayo!" sagot ni Jelay at tumayo na..

"I will save your family resort!" napahinto si Jelay sa sinabi nito.

Alam niya kung gaano kahalaga sa pamilya nya ang resort nila na napundar ng lolo niya na tumatanda na. Alam niya na baka mapa-aga pagkamatay ng lolo niya kapag nalaman nito na mawawala na sa kanila ang resort.

"I can paid all your family debts." patuloy sa pagsasalita ni Kaori

"I can provide for your needs" muling napalingon si Jelay kanya na siyang pagngisi ni Kaori.

"Anong kapalit?" tanong ni Jelay habang nakikipag titigan kay Kaori.

Tumayo si Kaori sa pagkakaupo nito at dahan dahan lumapit kay Jelay.

Medyo napaatras naman si Jelay dahil sa paglapit nito. Nilapit nito ang bibig sa tenga ni Jelay at bumulong.

"Be my bedwarmer" nagtayuan ang mga balahibo ni Jelay sa batok sa binulong nito lalo na ng maramdaman ang hininga nito sa tenga nya.

Nagulat si Jelay sa sinabi nito kaya di siya naka-react agad. Nang makabawi ay agad nya itong tinulak palayo sa kanya.

"Siraulo ka! Di ako bayarang babae at hindi mo mabibili dignidad ko! Tarantado!" singhal niya dito at nagmamadaling lumabas pero bago pa siya tuloyang lumabas ay narinig niya pa huling sinabi ni Kaori.

"You'll gonna take it. Soon."

Bweset na bweset si Jelay na bumalik sa klase niya.
Nangingilabot talaga sya sa sinabi nito. Hindi niya lubos maisip ang sarili na nakikipag-talik kay Kaori.

Bondwoman (JELRI FANFICTION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon