16

1.9K 81 38
                                        

"May rason ba para magsama kami ni Pax?" walang ganang tanong ni Kaori..

Napaisip naman mga kaibigan namin..

"Oo nga naman! Imposibleng magsama silang dalawa. Tubig at langis yan eh! Haha" natatawang pahayag ni Jethro

Nagtawanan din ang iba pa..

"What's tubig at langis?" bulong ni Rhys sakin

"It means two things that can't be together. Like Kaori and I." paliwanag ko dito

Tumango tango naman siya.

Ibig sabihin ayaw pa rin pala ni Kaori ipaalam sa kanila ang tungkol sa amin. Tsaka ano nga ba ang meron samin? Fuck buddies? Tsk.

Umorder na lang kami ng pagkain at sama sama kumain. Napapadalas na din ang pagsasama ng grupo namin sa grupo nila Kaori dahil na rin kay Aljon at Karina na marupok sa isa't isa.

After kumain ay umattend na ako sa next class ko na classmate si Rhys. Seryoso lang naman kaming nakikinig sa klase. Dyahe nito! 4 hours ang subject na ito. Nakaka-umay!

From: Tropa
See you later

Nagliwanag ang muka ko sa text nya pero mabilis din akong natauhan.

To: Tropa
May exam ako bukas. Hindi ba pwedeng bukas pagkatapos ng exam ko na lang? Kailangan ko mag-aral.

Matagal bago muling nagreply si Kaori.

From: Tropa
Okay. Samahan kita mag-review.

Napataas ang kilay ko sa nabasa ko..

To: Tropa
Boring yun.

Sagot ko sa kanya tsaka madidistract ako panigurado kapag kasama ko siya tapos sa bahay ako mag-aaral eh. Bakit naman siya sasama? Haay..

Hanggang matapos ang klase ko ay di na siya nagreply. Narealize nya sigurong boring nga iyon. Mas mabuti sumama siya sa mga kaibigan niya at mag-party party mamayang gabi.

Naglalakad na kami ni Rhys papuntang parking kasi ihahatid nya ako sa amin tulad ng nakasanayan.

Ang awkward ng feeling ko ngayon habang naka-akbay sa akin si Rhys. Hindi na tulad ng mga nakaraan na kinikilig ako. Feeling ko naubos lahat ng kilig ko sa kanya tapos napunta kay Brienne. Ay ewan!

"Why are you so quiet?" mahinang tanong nito.

"Pagod lang siguro." sagot ko sa kanya kahit ang totoo ay iniisip ko paano sasabihin na ayaw ko na.

Ang unfair naman kasi talaga sa kanya. Ano na lang mararamdaman niya kapag nalaman nya ang tungkol sa amin ni Kaori?

Ngayon ko lang rin naisip na sa ganitong set-up namin ni Kaori, mahihirapan akong pumasok sa relasyon. May tatanggap pa ba sakin?

Napabuntong hininga ako sa isiping iyon.. Mabuti sana kung talagang gusto ako ni Kaori tapos papayag siyang maging kami na talaga. Shete!! Isipin ko pa lang kinikilig na ako. Hehe

"Are you okay? Haha" tumingala naman ako kay Rhys at ngumiti na lang ng tipid.

"Do you want to have ice cream and pizza tonight?" nakangiting alok nito..

"I need to review, Rhys. May exam tayo bukas diba?"

"We can review together while having pizza? Hehe"

"Mabilis ako ma-distract kapag may kasama mag-review" tapat na sagot ko sa kanya. Lumungkot naman ang muka niya kaya nakaramdam ako ng pagkahabag.

"Sorry, Rhys. Bawi na lang ako sa sunod." nakangiting pahayag ko sa kanya ngumiti din naman siya at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse.

Bondwoman (JELRI FANFICTION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon