Nakatingin lang ako sa kanya. Hinihintay na bawiin nya sinabi niya kasi baka nagjojoke lang siya. Baka pinagtritripan nya lang ako!
"It's okay if you don't feel the same." dugtong nya pa bago humiga sa kama ko at nagtulakbong ng kumot.
Wait teka! Hihinga lang ako.
G-gusto? In what way? Takte! Napapa-english na din ako.
Tinitigan ko lang si Kaori na nakatulakbong ng kumot.
Nahiga ako sa tabi niya.. Hinihintayin ko tanggalin nya ang kumot sa muka niya..
Ilang saglit pa ay sumilip siya sa kumot kaya nagkasalubong kami ng tingin. Mabilis siyang nagtakip ulit ng kumot sa muka niya..
Taena! Nahihiya ba siya?
"Brienne?" sinubukan kong hilain pababa ang kumot sa muka niya pero mahigpit pagkakakapit nya dun.
Hindi ba talaga sya nagbibiro sa sinabi nya kanina?! Kasi iniisip ko na paano babawiin yung sinabi ko na hindi ko siya gusto! Takte naman!
"Mag-aral ka na dyan. I'm going to sleep.." saad nya maya maya na nakatulakbong pa rin ng kumot.
Nahihiya akong kompirmahin sa kanya ang sinabi niya kaya hinayaan ko na lang siya matulog..
Di naman siya natulog kasi nakikita ko na nagcecellphone siya sa ilalim ng kumot.
Nag-aral na lang ako para matapos ko na binabasa ko at makahiga na ako tuloyan sa tabi nya.Ilang minuto pa ay nakaramdam na ako ng pagkangalay sa batok.. Napatingin ako kay Kaori na nagcecellphone pa rin sa ilalim ng kumot.
"Oo, Pax. Gusto kita."
Gusto niya daw si Pax, ako si Pax diba? GAGSTI! Gusto ako ni Brienne.. Napangiti ako ng mag-sink in sa utak ko yun.
Tinapos ko na binabasa ko at pinatay ang ilaw.. Napahinto si Kaori sa pagcecellphone nya ng muli akong tumabi sa kanya.
Mabilis siyang tumalikod sa gawi ko.. Nagtataka naman ako sa kinikilos nya. Weird.
Pumasok ako sa loob ng kumot at humarap sa gawi nya pero likod niya lang nakikita ko.
"Kao.." mahinang tawag ko sa kanya pero di siya nakibo. Napanguso naman ako. Alam ko gising pa siya eh.
Niyakap ko na lang siya mula sa likod.
"Good night, Brienne.." saad ko at pumikit na.
Naramdaman ko ang paggalaw niya kaya napatingin ako sa kanya.. Humarap siya sa akin at dinampian ako ng halik sa labi ko.
Hinawakan ko ang muka niya at pinatagilid ang ulo ko para mas mapalalim ko ang halik.
Malumanay at mabagal lamang ang halik ko na tinugon ni Kaori..Sinimsim ko ang kanyang labi at bahagyang kinagat iyon.. Nagtagal ang halikan namin hanggang sa parehas na kaming kailangan bumitaw para makahinga.
"Goodnight, Pax" ngumiti lang ako sa kanya. Siniksik niya na ang katawan nya sa akin at binaon ang ulo sa may dibdib ko.
Niyakap ko naman siya ng mahigpit at pinikit na din ang aking mata.
----
Pagkagising ay nagmadali na kami kumilos dahil tanghali na. Nag-breakfast lang kami na niluto ni Mommy at pumasok na sa school.
Habang nasa biyahe ay tumawag si Rhys.
"Rhys.." salubong ko dito
"I'm sorry. I can't fetch you today.. Just woke up." kaya pala. Kadalasan kasi pag gising niya nagtetext agad sya at pagpapunta na siya nagsasabi siya.
BINABASA MO ANG
Bondwoman (JELRI FANFICTION)
FanfictionKaori Brienne is an adventurous young woman. She wants to experience EVERYTHING. Due to peer pressure she became curious about sex. But she don't want to get in trouble like unexpected pregnancy, so she look for a SHE to be her bedwarmer. The best...