Tuloyang nanghina ang tuhod ni Jelay ng maglapat ang mga labi nila.. Hinigpitan ni Kaori ang paghawak sa muka nito upang palalimin ang halik..
Nagsimulang gumalaw ang labi ni Kaori at nang tutugonin na ito ni Jelay ay sabay silang napabalikwas ng makarinig ng katok at sigaw mula sa labas ng pintuan.
"Ate Jelay!!! Sabay na tayo bumaba!" sigaw ni Lie. Mabilis na tinulak ni Jelay si Kaori at lumabas ng kwarto. Huli na ng maisip ni Kaori na nakalabas si Jelay ng kwarto.
"Bakit namumula ka? May sakit ka ba?" nagtatakang tanong ni Lie dito..
"W-wala.. M-mainit lang.. Ang init ng panahon.." pagpapalusot ni Jelay na pinaniwalaan ni Lie.
Habang naglalakad papuntang cottage malapit sa beach sila Jelay ay bumabalik sa isip niya ang nangyari kanina..
Gaga ka talaga! Hindi ka man lang pumalag! Mamaya isipin nun napaka-easy to get mo talaga!
Pagalit ni Jelay sa kanyang sarili habang sinasampal ang pisngi.
Nakaupo lang siya sa may buhangin habang pinapanuod ang mga kaibigan na naglalangoy ng tabihan siya ni Rhys..
"Won't you swim?"
"She's not." napalingon sila parehas ng makita si Kaori na umupo sa tabi din ni Jelay
"Lalangoy ako.. Tara na!" mabilis na tumayo si Jelay at naghubad ng cover up sa harap ng dalawa..
Makikita ang pagkamangha sa mata ni Rhys ganon din si Kaori pero natatabunan iyon ng pagka-asar..
Mabilis dinampot ni Kaori ang cover up ni Jelay na nilaglag nya sa buhangin..
"Wear this, Jelay!" ma-awtoridad na utos ni Kaori na nagpahinto sa kanya ngunit ng maisip niya na wala namang karapatan si Kaori mag desisyon kung naong susuotin nya ay tinaasan niya ito ng kilay..
"Tara na, Rhys!" mabilis na hinawakan ni Jelay ang palapulsohan ng tulalang si Rhys at hinila papunta sa dagat..
"Fuck!" bweset na bweset si Kaori na hinampas sa hangin ang cover up ni Jelay.
Lalong nag-aapoy sa galit si Kaori ng makitang nagtatawanan si Rhys at Jelay. Nagpaunahan pa ang dalawa lumangoy hanggang sa malalim na parte ng dagat..
At dahil hindi magaling lumangoy si Jelay ay nakakapit siya sa isang balikat ni Rhys..
"Mas mainit pa ata ulo mo sa araw.."
"Shut up, Jethro!" pagkasabi ni Kaori nun ay parang may naipit na ugat sa puso niya kaya agad siyang napahawak dun..
"Hey! Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Vince sa kanya na hinawakan pa siya sa magkabilang balikat.
"Y-Yeah.." hirap na sagot ni Kaori. Binigyan naman siya agad ng tubig ni Jethro.
Naupo na lang sa may cottage si Kaori at dinaluhan siya ni Vince..
"What happened?" usisa ni Vince
"W-wala.. It's just a heart burn."
Sa kabilang banda naman ay nakita ni Jelay ang paghawak ni Vince sa balikat ni Kaori kaya agad siyang nag-iwas ng tingin..
"Napaka-gago talaga ng kaibigan mo nuh?!" asik ni Karina kay Aljon na narinig ni Jelay
"Bakit na naman?" kumakamot sa ulong sagot nito
"Siguro nasa grupo nyo talaga ang mga manloloko! Naku! Naalala ko na naman pangloloko mo sakin dati!" gigil na sabi ni Karina dito
"Bakit pati ako damay? Dati lang yun! Loyal na kaya ako." pagmamalaki ni Aljon
BINABASA MO ANG
Bondwoman (JELRI FANFICTION)
FanficKaori Brienne is an adventurous young woman. She wants to experience EVERYTHING. Due to peer pressure she became curious about sex. But she don't want to get in trouble like unexpected pregnancy, so she look for a SHE to be her bedwarmer. The best...