12

1.9K 87 27
                                        

Lunes ng umaga ng magkasabay na pumasok pa rin si Rhys at Jelay sa school.. Pinagtitinginan sila dahil maliban sa itsura nila ay kitang kita na masaya silang dalawa.

Halos lahat ay nakatingin sa kanila. Kasama ang grupo ng mga elitistang kinabibilangan ni Kaori..

"Naunahan ako kay Pax! Sayang!" naiiling na saad ni Jethro..

"They're look lovely couple." komento ni Reign.

"Oo nga. Balita ko kay Karina nagkakamabutihan na daw talaga ang dalawa." gatong ni Aljon kaya nilingon siya ng mga kasama.

"Nag-kakausap na ulit kayo ni Karina?!" gulat na tanong ng chismosang si Angela

"Hehe.. Nagrereply na siya sa chat ko eh." ngiting ngiting sagot ni Aljon..

Busy ang mga kaibigan nila na usisain si Aljon tungkol sa kanila ni Karina kaya di nila napansin ang mga titig ni Kaori kila Jelay at Rhys..

She's biting her inner cheek and looking intensely to the two.

Nag-aapoy sa galit ang mata niya.. May gusto siyang gawin sa isip niya pero pinipigilan ang sarili.

-

Pagkatapos nang tanghalin ay nagtungo muna ng cr si Jelay para mag-toothbrush.
Nang matapos mag-toothbrush ay lalabas na sana siya ng bigla siyang itulak papasok ni Kaori at hilain sa isang cubicle.

Binaba nito ang cover ng water closet at naupo dun. Hinila niya si Jelay at pinaupo sa kandungan nya..

"May klase na ako Brienne" tutol ni Jelay

"Don't make fucking excuses, Pax!!" galit na turan nito.

Nabigla naman si Jelay dahil ngayon na lang ito nagpakita sa kanya at galit na galit pa.. Hindi niya maintindihan anong kinakagalit nito.

"H-hindi ako nagdadahilan.. May klase na talaga ako at malalate na ako." akmang tatayo na si Jelay ng higpitan ni Kaori ang hawak sa bewang nya at pisilin ang pang-upo nito..

"Brienne.. Malalate ako." may tonong nakiki-usap na saad ni Jelay pero tinitigan lang siya ng masama nito.

"We have a deal Pax! I want it now!" napapitlag si Jelay sa lakas ng boses nito..

Wala siyang maisip na ibang gawin kundi ang himasin ang braso nito.. Natatakot siya sa nagliliyab na mata ni Brienne..

"Baka may makarinig satin.. Hinayaan mo boses mo" malumanay na saad nito

"Why?! Ayaw mong malaman nila kung anong meron sa atin?! Ayaw mo bang malaman ng lalaki mo na binabayaran kita para paligayahin ako?!" muling nasaktan si Jelay

Hindi nya maintindihan anong kinagalit nito at nanliliit ang tingin nya sa sarili dahil sa sinabi ni Kaori.

Nabakas sa mga mata nito ang sakit kaya napahinto si Kaori..
Para syang binuhusan ng malamig na tubig ng makita na parang iiyak na si Jelay.

"Oo nga pala.. Binabayaran mo nga pala ako. Kaya kapag gusto mo ang serbisyo ko dapat ibigay ko at kung hindi mo na kailangan, babalewalain mo na ako.." mapait na pahayag nito..

"I'm sorry.." saad nito at sinimulang halikan ang pisngi ni Kaori..

Walang maramdamang init si Kaori sa halik na ginagawad sa kanya ni Jelay..

"J-Jelay..." mahinang tawag nya dito ng sumiksik ito sa leeg nya at maramdaman nya ang pagpatak ng mga luha nito.

"Bakit ba tuwang tuwa kang sinasaktan ako? Bakit tuwang tuwa ka na pinapahirapan ako?" patuloy sa pag-iyak si Jelay habang tungo pa rin sa balikat ni Kaori..

Bondwoman (JELRI FANFICTION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon