"Hello Kare.."
"Ate Jelay! Napatawag ka? Bakit?"
"P-pwede ko ba mahingi number ni Aljon?" nag-aalangan na tanong ko.
"May kailangan ka ba kay Aljon? Bakit ka naiyak? May ginawa ba sya?" sunod sunod na tanong nito.
Kagagaling ko lang kasi sa condo unit ni Kaori at nagbago siya ng passcode.. Sobrang nanghihina na ako. Pagkatapos ng OJT ko lagi akong dumidiretso dito at nagbabakasakali na makita siya pero lagi siyang wala. Ngayon naman ay pinalitan niya na ang passcode nya.
Isang linggo ang lumipas na hindi nagpaparamdam sa akin si Kaori.
Hindi ko alam kung saan siya nag-OOJT. Hindi ko alam kung saan ang mansion nila. Hindi ko na alam kung saan siya hahanapin. Sinubukan kong itext si Angela pero di niya rin ako nirereplyan.
Hindi ko na alam kung anong iisipin ko basta ang alam ko nasasaktan ako. Natatakot ako. Gusto ko siyang maka-usap. Gusto ko na siyang makasama, sobrang miss na miss ko na siya.
"May itatanong lang ako.." sagot ko dito.
"Bakit ka naiyak ate Jelay?" lalo akong naiyak sa sagot ni Karina..
"Ate Jelay.. Please wag kang umiyak. Nasaan ka ba?"
"Ayos lang ako.. Paki-send na lang sa akin ang number ni Aljon. Salamat Kare.." malambing na sagot ko sa kanya. Bago pa siya magsalita ulit ay pinatay ko na ang tawag. Mangungulit lang siya at hindi ko pa kayang magkwento.
Ni hindi nga nila alam ang tungkol sa amin ni Kaori tapos ito na ang mababalitaan nila.
From: Karina
0915******* yan number ni Aljon. Ano bang nangyayari ate Jelay?Hindi ko na siya nireplyan. Napaupo na lang ako sa labas ng unit ni Kaori. Nagbabakasakali na darating siya ngayon.
Tinawagan ko na rin si Aljon.. Ilang ring lang ay sinagot niya.
"Hello?" nagaalangan sagot nito. Narinig ko rin ang maingay na background. Mukang nasa bar siya.
"Si Pax ito.."
"Uy, Pax! May problema ba kay Karina?" agad na tanong nito na parang nag-aalala. Agad akong nakaramdam ng inggit pero mabilis kong winaksi yun.
"Hindi. Wala. May itatanong lang sana ako sayo."
"Ah. Sige. Ano ba yun?"
"hmm.. Nagkaka-usap ba kayo ni Kaori?"
"Si Brienne? Andito ahshajajah"
"Aljon??" narinig kong parang may umagaw ng cellphone nya mula sa kanya kaya di ko naiintindihan mga huling sinabi nya.
Pinatay nya ang tawag at ilang saglit ay muling tumawag.
"Hello Pax, ahm. Pasensya na. H-hindi ko rin nakakausap si Brienne eh. S-sorry.." mahinang sagot niya
"Kapag nagka-usap kayo, Aljon. Pakisabi hinahanap ko siya." hindi sumagot si Aljon at tahimik lang..
"Sige.. Salamat." ibaba ko na sana ang tawag ng muli siyang magsalita at parang tumahimik ang paligid.
"Bakit mo siya hinahanap?" sabi na nga ba itatanong nya.
"May sasabihin lang sana ako."
"G-Gusto mo ba talaga siya maka-usap?" nauutal na tanong nito.
"Oo. Aljon, please kung alam mo nasaan siya. Sabihin mo naman oh." narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"Lagi siyang nasa Cove Club Manila. Tambayan namin magkakaibigan. Haay" buntong hininga ulit nito "Wag mo na lang sasabihin na sinabi ko sayo huh?"
![](https://img.wattpad.com/cover/246772064-288-k555839.jpg)
BINABASA MO ANG
Bondwoman (JELRI FANFICTION)
FanfictionKaori Brienne is an adventurous young woman. She wants to experience EVERYTHING. Due to peer pressure she became curious about sex. But she don't want to get in trouble like unexpected pregnancy, so she look for a SHE to be her bedwarmer. The best...