20

1.6K 74 27
                                        

I swear to God! Kung wala lang si Lie sa harap namin siniil ko na ng halik si Kaori!!!

"Oo nga, Brienne pero maganda din naman si Ate Jelay diba?" pagpupumilit ni Lie not knowing na ako yung tinutukoy ni Kaori.

Nagkibit balikat lang si Kaori at parang di interesado sa usapan na uminom ng kape.

Pagkatapos namin uminom ng kape ay nagkaayaan na rin kaming matulog sa kwarto. Nagtext lang ako kay Kaori at natulog na kami.

Kinabukasan sama sama kaming nagbreakfast. Nasa harap ko nakaupo si Kaori.

"Bakit tawag ng tawag si Lallaine sayo?" narinig kong tanong ni Angela kay Kaori. Tahimik kasi kaming kumakain kaya kahit di naman ganon kalakas ang boses nya ay narinig ko pa rin.

"She's saying stupid things.. Don't mind it" napataas naman ang kilay ko. Lagi talaga siyang kinukulit nun pero di ko alam kung bakit kasi kapag tinatanong ko si Kaori ganyan na ganyan isasagot niya. Di ko naman siya kinukulit kasi baka magalit siya.

Pagkatapos kumain ay nagswimming na kami sa beach. Pasimple ko naman nilapitan si Kaori na nag-iisa sa lilim ng puno ng buko.

"Tinatawagan ka na naman pala ni Lallaine?" tanong ko ng hindi nakatingin sa kanya. Nakita ko sa peripheral vision ko ng tumingin siya sakin at unti unting ngumiti.

"Don't tell me your jealous?!" mabilis ko siyang inirapan.

"Sira! Nagtatanong lang ako.. Curious lang uy! Wag kang assuming dyan!" tanggi ko agad sa kanya. Hindi naman talaga ako nagseselos. Curious lang ako bakit lagi siyang kinukulit nun.

Hinawakan nya ang kamay ko na mabilis kong binawi dahil baka makita ng iba.

"Wag ka na magselos kay Lallaine. Wala siyang gusto sakin at wala din akong gusto sa kanya.." tinawanan ko siya sa sinabi niya.

Napaka-assuming! Hindi nga ako nagseselos. Duh?! Hindi ako selosa nuh. Siya lang naman yung selosa sa aming dalawa.

"Hindi nga sabi ako nagseselos! Nagtanong lang selos na agad.." naiiling kong sagot sa kanya habang natatawa pa rin.

Tumahimik naman siya.

Kaya naupo ako sa tabi niya at dinunggo dunggo ang braso nya.

"Bakit bigla kang tumahimik?" hindi nya naman ako kinibo.

Hinawakan ko ang muka niya at pinaharap sa akin..

"Kao?" nakangusong ani ko.

"Let's swim.." pag-iiba niya ng topic. Tumayo siya at nagpunta sa mga kaibigan naming nagkakasayahan.

Sumunod na rin ako hanggang sa abotin kami ng init at magpasyang kumain. Mamayang hapon ay mag-babangka kami papuntang camp site para dun magpalipas ng gabi. Excited na ako! Bonfire and camping! First time ko ito tapos kasama ko pa si Bibi Love Kaori ko..

Pagkatapos kumain ay natulog lang kami saglit at at namangka na.. Medyo maalon pa rin ang dagat kaya nakaramdam ako ng pagkahilo.

"Are you okay?" tanong sakin ni Rhys dahil siya ang katabi ko at si Lie.

"Oo.." naduduwal na sagot ko..

Nakita kong tumayo si Kaori at parang lalapit sakin kaya inilingan ko siya, naupo naman ulit siya sa upuan niya.

"You're so pale.." komento ni Rhys sakin. Hinagod nya ang likod ko at hinawakan ang kamay ko para pakalmahin ako..

Napapikit na lang ako sa sobrang pagkahilo, pinasandal naman ako ni Rhys sa dibdib niya. Hindi na ako nakapagreklamo dahil nakatulong talaga iyon para makalma ako. Hindi ko na namalayan nakarating na pala kami sa camping site.

Bondwoman (JELRI FANFICTION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon