Sa nakalipas na isang linggo ay walang araw na hindi pinaligaya ni Jelay si Kaori. Kung hindi man pwede sa unit niya kapag gabi dahil lumalabas siya kasama ang barkada ay nagawa sila ng paraan sa school.
Wala namang nakakahalata sa kanila dahil kapag nagkikita sila na may ibang tao ay parang di nila kilala ang isa't isa. Hindi sila nagpapansinan na dalawa.
Sabado ngayon at may lakad mamayang gabi si Kaori kaya pumislit sila ngayon sa shower room ng swimming pool area ng school. Kakatapos lang nila at lalabas na sana ng cubicle si Jelay ng pigilan siya ni Kaori na medyo nanghihina pa..
"I'll fetch you tomorrow morning.." kumunot naman noo ni Jelay.
"Grabe ka naman, Brienne! Lahat ng nagtratrabaho may day off.. Bigyan mo naman ako!" reklamo nito..
Kaori just chuckled.
"Basta susunduin kita bukas." pinal na sabi ni Kaori na napabuntong hininga na lang si Jelay..
"Oo na.." balewalang sagot nito at tuloyan ng lumabas.
--
Bago mag-umpisa ang klase ay may bagong muka na napansin si Jelay.. Gwapo ito at parang modelo ang datingan. Muka din may lahi dahil sa pagiging kano nito.
Ngumiti ito sa kanya ng mapansing nakatingin siya.. Nginitian niya rin ito ng tipid bilang pagbati.
"Hi!" tuloyang bati nito kay Jelay ng makalapit. Lumingon pa sa paligid si Jelay para masigurado na siya nga ang kinakausap nito.
"Ahm. Hello!" sagot niya dito ng masigurado siya nga ang kausap.
"I'm new student here. Transferee.. Tourisism student." lumiwanag naman ang muka ni Jelay sa sinabi nito.
"I'm a tourism student too.. I am a graduating student!" sagot ni Jelay na pinipilit mag english dahil mukang di nakakaintindi ng tagalog ang kaharap.
"Coincidence or Destiny?" nakangiting tanong nito..
Nailing naman si Jelay.
"Bilis naman ng kano na ito! Hindi pa nga nagpapakilala" sa isip isip ni Jelay
"Just kidding.. Anyway, i'm Rhys Miguel" pagpapakilala nito at inabot ang kamay kay Jelay
"Jillian Pax" tipid na sagot ni Jelay at nakipagkamay dito.
Pinisil ng mahina ni Rhys ang kamay niya bago bitawan.
"Nice to meet you, Jillian" ngiting saad nito na nginitian lang rin ni Jelay bilang tugon.
"Anyway, can i sit here?" tanong ni Rhys at tinuro ang bakanteng katabing upuan ni Jelay.
"Sure." pagkaupo ni Rhys ay nagpa-salamat lang ito kay Jelay at dumating na ang prof nila.
Nang matapos ang klase ay tumayo na si Jelay para lumabas ng classroom pero pinigilan siya ni Rhys..
"Hey! Ahmm.. C-Can we be friends?" tanong nito kay Jelay.
Tinitigan lang ito ni Jelay bago nginitian..
"Yeah sure!" masiglang sagot nito.
"Salamat.." nagulat si Jelay ng magtagalog ito.
"Nagtatagalog ka?"
"Konti lang.." pilit na tagalog nito at umaksyon pa ng konti sa kamay niya.
"Pero nakakaintindi ka ng tagalog ng mabuti?"
"As long as it's not too deep.." tumango tango naman si Jelay.
"Akala ko dudugo na ilong eh! Haha" tumatawang pahayag nito na tinawanan din ni Rhys.

BINABASA MO ANG
Bondwoman (JELRI FANFICTION)
FanfictionKaori Brienne is an adventurous young woman. She wants to experience EVERYTHING. Due to peer pressure she became curious about sex. But she don't want to get in trouble like unexpected pregnancy, so she look for a SHE to be her bedwarmer. The best...