Naging maayos ang takbo ng pagsasama namin ni Kaori kahit tago. Lagi ko siyang inaasar at lagi siyang napipikon. Yung mga pang-aasar ko na sa kanya yung ginagawa kong paraan para malambing siya.. Kasi kapag napikon siya, dun ko siya lalambingin hehehe
Mataray pa rin siya at masungit kadalasan pero mas madalas na siyang tumatawa ngayon, lalo na kapag kaming dalawa lang.
Medyo naging busy din ako dahil nag-start na intern ko last November pero sinisigurado ko na may oras pa rin ako para kay Kaori. Lagi kaming nasa condo. Nanunuod ng movie o kumakain ng sabay. Lumalabas din naman kami para mag-date pero sa malalayong lugar tulad ng Rizal, Tagaytay, Cavite, Batangas, Pampangga basta labas ng Metro Manila para walang kakilalang makakita sa amin.
Sa tatlong buwan masaya lang kami wala kaming pinag-aawayan talaga. Pinahinto ko na rin manligaw si Rhys pero magkaibigan pa rin kami at nakakasama pa rin namin siya mag-lunch dahil classmate ko pa rin siya. Ramdam ko na may gusto pa rin siya sakin pero di na siya nangungulit kaya ayos lang naman.
Ngayon ang unang araw ng Christmas Break namin.. Gusto namin ni Karina at Lie na magbakasyon ng tatlong araw bago magpasko talaga kaso may jowa si Karina kaya gusto nya isama si Aljon kaya nag-suggest na lang ako na isama ang buong barkada ni Aljon para mas marami kuno pero ang totoo para makasama ko din si Kaori. Hehehe
Pumayag naman sila, si Reign lang di nakasama samin..Magkatabi kami ni Lie sa eroplano. Si Aljon at Karina naman tabi. Tapos si Rhys at Jethro. Ang katabi ni Kaori ay is Angela.
Tinext ko na lang siya habang di pa umaandar ang eroplano at pinapapatay ang signal ng mga cellphone..
To: Bibi Love
Miss you.. :(Pagkabasa nya sa text ko ay pasimple niya akong tinignan at nginitian.
From: Bibi Love
Miss you too.Tipid na reply niya. Tamad pa rin siya magtext hanggang ngayon pero dahil alam niyang magagalit ako kapag di siya nag-reply, nagrereply siya. Hihihi
Sa Puerto Prinsesa, Palawan ang destination namin ngayon. Beach Camping.
After 2 hours of flight dumating na kami sa Airport. May service van na sumundo samin. Pag-mamay ari ng pamilya ni Angela..
Sama sama kaming tatlo ni Lie at Karina sa room. Si Kaori at Angela naman magkasama, dapat tatlo din sila ni Reign pero dahil hindi ito sumama, dalawa lang sila.
Si Rhys, Jethro at Aljon naman sa isang kwarto.
Habang nakain ay pinaliwanag samin ni Angela na may jacuzzi dito, may pool, may beach, may mini bar at maraming ibang turista din na nagpupunta dito.
Kumain muna kami ng tanghalian bago nagpasyang magpahinga muna para paggising namin ay di na masakit ang araw.
Bago matulog ay tinext ko muna girlfriend ko.
To: Bibi Love
Love, tulog muna ako. See you later.. MuahMabilis naman siyang nagreply..
From: Bibi Love
I want the real muah.Napangiti naman ako. Kaya imbes matulog at magpahinga ay hinintay namin makatulog ang mga ka-roommate namin para sumalisi.
Nag-usap kaming magkita sa medyo malayo sa resort. Pumwesto ako sa ilalim ng puno ng buko habang nakashades dahil mataas pa ang araw.
Malayo pa lang si Kaori ay tanaw ko na ang ganda nya.. Naka-maong short shorts siya at white loose shirt.
Tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap siya.. Muntik pa kaming matumba dahil sa pagkabigla niya pero nakuha nya naman agad balanse namin.
"Namiss kita, Bibi Love.." lambing ko sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/246772064-288-k555839.jpg)
BINABASA MO ANG
Bondwoman (JELRI FANFICTION)
FanficKaori Brienne is an adventurous young woman. She wants to experience EVERYTHING. Due to peer pressure she became curious about sex. But she don't want to get in trouble like unexpected pregnancy, so she look for a SHE to be her bedwarmer. The best...