27

1.3K 69 47
                                        

Para akong binuhosan ng tubig na punong puno ng yelo. Hindi ako nakasagot sa sinabi niya.. Namalayan ko na lang na papasok na siya sa loob.

Mabilis ko siyang hinabol at niyakap mula sa likod.

"Love, nagbibiro ka lang diba? Nabawi ka lang sa mga pang-aasar ko sayo. Love, kung prank lang ito panalo ka na. Promise, di na kita aasarin ulit." pilit niyang tinatanggal ang pagkakayakap ko sa kanya pero nagmamatigas ako..

"I'm sorry kung may pagkukulang ako, Love o sumobra ako. Sorry na.. Sabihin mo lang kung anong gusto mo gagawin ko, Love.." patuloy na ang pagpatak ng luha ko. Nababasa ko na rin ang tshirt na suot nya sa sobrang pag-iyak ko.

"Kung naboboringan ka na sakin. Sasama ako sayo mag-bar. Gagala tayo kahit saan mo gusto.. Love, wag naman ganito.." nagmamakaawa na ako sa kanya na kahit kailan hindi ko pa ginawa sa buong buhay ko.

Pabalibag niyang tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanya at hinarap ako.

Fading into emotion
Just going through all the motions
Drowning into emptiness
Not knowing where to go

"Tsk! Fix yourself, Pax and stop bothering me!" saad niya.

Mabilis akong lumuhod sa harap nya habang hawak ang kamay niya..

"Nangako ka diba? Nangako ka! Sabi mo hindi mo ko iiwan. Sabi mo mahal mo ko.. Binigay mo pa nga sa akin ito diba?" pinakita ko sa kanya ang singsing na suot ko.

Marahas niyang kinuha ang kamay ko. Medyo matagal niyang tinitigan ang singsing bago tinanggal iyon sa daliri ko.

"This?" pinakita nya sakin ang singsing. "Wala lang ito!" mariin na saad nya. Akma niyang itatapon ang singsing kaya pipigilan ko sana siya pero huli na. Tinapon niya na sa may damuhan ang singsing.

"Bakit mo tinapon?!" nanlalabo na ang paningin ko sa pag-iyak pero malinaw sakin ang walang emosyong mga tingin ni Kaori sa akin.

Akmang papasok ulit sya sa loob ng pigilan ko siya..

I'm trapped within this feeling
A love that's never ending
I wish that I meant more to you
But I know I never will

"Please.. Please.. Don't leave me.. Wag mong gawin sa akin ito. Mahal na mahal kita, Brienne." winaksi niya lang ang kamay.

"Will you stop that?! Hassle naman!" galit na turan niya.. "Alam mo mali sayo? You're so credulous. Sinabi ko lang na gusto kita, bumigay ka naman agad!"

Napalunok ako sa sinabi niya.. Tama siya. Umamin lang siya sakin para na akong gaga na paniwalang paniwala. Hindi siya nahirapan kunin ako, boring nga siguro ako. Walang thrill para sa kanya..

"S-Sorry.. Sorry naniwala agad ako sa mga salita mo." nakayukong turan ko. Kitang kita ko ang pagpatak ng mga luha ko sa lupa.

I've loved you since the start
And you've always had my heart
But you never knew
I should have moved on by now
But why can't I be happy for you?

Sa muling pag-angat ng ulo ko ay likod niya na ang natanaw ko.

Ayaw tumigil sa pagpatak ng luha ko. Pakiramdam ko'y pinipiga ang puso ko.

Nagpunta ako sa damuhan kung sana niya tinapon ang singsing.. Kahit nahihirapan makakita dahil sa madilim at panlalabo ng mata ko ay hinanap ko ang singsing.

Bondwoman (JELRI FANFICTION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon