21

1.5K 81 7
                                    

"But?" nauubosang pasensyang tanong ko

"But if she continue denying me and us. I might think about it.." napanganga ako sa sinabi niya. Seryoso siya!! Walang bakas ng pagbibiro ang muka niya.

Pinilit kong hindi bumusangot sa sinabi niya kahit nanggigigil na ako. Subukan mo lang Kaori makipagbreak sakin. Babasagin ko yang napaka ganda mong muka!

"I'll sleep now.." paalam niya kaya pinabayaan na din namin siya.

Pagpasok niya ng tent ay siya namang dutdot ko sa cellphone ko..

To: Bibi Love
Bawiin mo sinabi mo!!

Naiiyak na ako dito. Malakas ako mang-asar kay Kaori pero kapag pinapamuka nya sakin na hindi nya ako gusto o iiwan niya ako, sobra akong natatakot at naiiyak.

To: Bibi Love
Subukan mo lang makipag-break, isusumpa talaga kita!!

Naaasar na mga text ko sa kanya pero di naman siya nagrereply..
Ilang sandali pa ay nagkaayaan ng matulog at pumasok sa tent.

To: Bibi Love
Bakit di ka nagrereply? Alam ko gising ka pa!!

Kung ano ano na tinitext ko sa kanya pero di nya ako nirereplyan.
Hindi ako makatulog. Hindi ako sanay matulog na magka-away kami.

"Ate Jelay, ano ba ginagawa mo sa cellphone mo? Sisirain mo na ata yan tsaka maliwag. Matulog na tayo.." inaantok na saad ni Lie..

Tinabi ko na ang phone ko at sinubukang matulog pero ilang saglit lang ay naisipan kong puntahan na si Kaori.

Lumapit ako sa tent nila at lakas loob tinawag si Kaori mula sa labas..

"Kaori.." bulong ko sa side ng tent kung saan alam kong andun si Kaori.

"Brienne.. May natawag sayo." rinig kong saad ni Angela. Hindi naman nagsalita si Kaori.

"Kaori, ang lamig dito sa labas.." bulong ko kasi alam ko naman naririnig niya ako.

Natuwa ako ng makita ko na may isang anino na tumayo..

Pumunta na ako sa unahan ng tent nila at nalaglag ang balikat ko ng makita kong si Angela ang lumabas sa tent.

"Ayaw lumabas eh.. Ikaw na lang pumasok." tinitigan ko naman siya na parang nag-aalangan. Baka kasi ano isipin niya.

Tumawa naman siya ng mahina ng hindi ako makapagsalita.

"Pumasok ka na sa loob. Dun ako sa tent nyo ni Lie matutulog at dito ka na. Don't worry.. Matagal ko ng alam ang tungkol sa inyo.. Hindi sinabi sakin ni Brienne at wala naman akong balak ipagsabi sa iba. Nirerespeto ko ang desisyon nyo.." saad nito at iniwan akong tulala sa labas ng tent.

Sinubukan kong i-process sa utak ko ang mga sinabi niya.

Matagal niya ng alam?! Paano nya nalaman? Ayos lang sa kanya?

Sa gitna ng pag-iisip ko ay umihip ang malamig na hangin kaya natauhan ako at pumasok na sa loob ng tent kung nasaan si Kaori.

"Love.." bulong ko dito. Nakapikit na siya pero alam ko mababaw pa lang tulog niya.

Hindi niya ako pinansin kaya nahiga ako sa tabi nya at pinilit na isiksik ang katawan ko sa kanya.

"Kao?" naiiyak na tawag ko sa kanya habang nakatingin sa muka niya.. May pagitan ang mga muka namin ng mga tatlong pulgada lang.

"Love, galit ka ba?" hinahaplos ko ang muka niya at kinakabisado ito.

"Love, mag-usap naman tayo.. Hindi ako makatulog ng ganito. Iniisip kita." pagmamakaawa ko sa kanya.

Bondwoman (JELRI FANFICTION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon