18

1.8K 84 20
                                        

"Weh??"

"What the--!" halatang napipikon na siya sakin kasi di ko siniseryoso sinasabi niya.

Sa totoo kasi hindi ko alam kung maniniwala ba ako parang ito yung sinasabi nilang too good to be true.

"Like lang?" tanong ko sa kanya

"I'm not sure yet if i love you.. Masyadong mabilis, masyadong bago sa akin ito! Tapos sayo pa! Sa babae pa!!" napanguso naman ako

"Bakit parang galit ka?" lumambot ang expression ng muka niya sa tanong ko

"I'm not mad at you. Galit ako maybe sa sarili ko kasi bakit sayo pa?!"

"Bakit? Ano ba ako?" natahimik siya sa tanong ko..

Napahinga siya ng malalim at umiwas ng tingin sa akin.

"I shouldn't have liked you" nalungkot ako sa sinabi niya. Yung kaninang sayang naramdaman ko biglang binawi. Yung akala ko lumilipad na ako bigla akong bumagsak sa lupa.

"It's wrong. You like someone else." muli ko siyang tinitigan

"Yun lang ba dahilan mo?"

"It's hassle. Ayukong mailang ka sakin."

"Muka ba akong naiilang?" nilapit ko sa kanya ang muka ko at dinampian siya ng halik.. Pinalalim ko ang pag halik sa kanya. Nang una ay hindi siya tumugon hanggang sa naging mapusok na iyon at kinailangan na namin ng hangin..

"Because it's your job to pleasure me." malungkot na pahayag niya.

Nakukunsensya na ako sa pang-aasar ko sa kanya parang paiyak na kasi siya.

Ganyan niya ba ako kagusto talaga? Seryoso talaga siya? Bakit ako?

"K-Kao" kinakabahan na tawag ko sa pangalan niya. Di naman siya sumagot.

"Gus--" bago pa ako makapagsalita ay tumunog ang cellphone ko na nasa bedside table.

"Teka, sagotin ko lang muna." paalam ko sakanya.

Natawag si Mommy kaya mabilis kong sinagot.

"Gabi na! Bakit hindi ka pa umuuwi? Sino kasama mo? Baka kung ano ano na ginagawa mo ha? ajshajakakfa..." a typical Mom. Binungangaan ako.

Pagtingin ko sa orasan ay 11:23pm na pala. Hindi ko namalayan ang oras.

"Pauwi na Mie. Si Kaori kasama ko. Sinamahan ko lang siya manuod ng movie sa condo nya.." okay. Nagsinungaling na naman ako kay Mommy. Alangan naman kasi sabihin kong nakipag chugchugan ako diba? Edi, lalo akong binungangaan.

"Si Kaori kasama mo? Paka-usap nga!" hala! Walang tiwala sa akin si Mommy!

"Kao, gusto ka makausap ni Mommy" inabot ko sa kanya ang phone at tinanggap nya naman iyon.

"Hello po, Tita." pinagsigla nito ang boses niya sa pagsagot.

"Opo Tita, i apologise po" hindi ko marinig sinasabi ni Mommy dahil di naman naka-loud speaker.

"Sige po, tita. Thank you! Goodnight Tita!" nakangiti si Kaori na pinatay ang tawag..

"Ano sabi ni Mommy sayo?" takang tanong ko kasi ngiting ngiti siya..

Mabilis siyang yumakap sakin at siniksik ang ulo sa leeg ko.

"You can sleep here daw.. Isasara na nila ang gate kaya wag ka na daw muna umuwi. Hehehe" halatang sobrang saya nya na dito ako pinapatulog ni Mommy.

"Sigurado ka yun ang sinabi ni Mommy?" paninigurado ko.

"I never lie to you" sagot nya. Sinuklay ko ang buhok nya gamit ang kamay ko..

Bondwoman (JELRI FANFICTION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon