01

3.9K 114 10
                                    

"Wooooaaah!!!" kumunot ang noo ni Kaori sa malakas na sigaw ng kaibigan pagkatapos i-bottoms up ang kanyang malaking baso na kanina lang ay puno ng beer.

"Anong problema Brienne?" takang tanong ni Jethro dito. Kaibigan niya na nanggaling sa mayamang pamilya. Maraming Estate property na pagmamay-ari at kilala sa mga sikat na hotel and casino ng bansa.

"Ingay ni Reign.." tipid na sagot nito at nilaro sa isang kamay ang susi ng kotse nya.

Natawa si Jethro sa pagmamaktol nito.

"Hindi ka ba nag-eenjoy?"

"Enjoy? We always do this trice a week or sometimes almost every night." kunot noong sagot nito at uminom sa baso ng beer.

"You know what Brienne, why not try something different?" tumaas ang kilay ni Kaori sa sinabi ni Angela, Isa din sa mga kaibigan nya na nagmamay-ari ng isang airline.

"Nasubukan ko na halos lahat! Nalibot ko na buong mundo. Nakapag-water diving and skydiving na ako.. Car race, mountain hike, bicycle at halos lahat ata ng sport nasubukan ko na.." frustrated na sagot nito

Angela smiled a bit and licked her lips  sensually.

"Why not try to hook up?" nakangising suhisyon nito

"Nah. That's hassle." walang interes na sagot nito.

Playing feelings is not her thing.

"Uso ngayon yun, Brienne. Just pure pleasure no string attach" gatong ni Aljon dito. Kaibigan din nila, anak ng isang senador at dating sikat na artista.

"I don't want to get pregnant. Duh!" maarteng tutol pa rin nito

"Edi, sa babae! Sure.. Di ka mabubuntis." sabat na rin ni Reign sa usapan.

Napangisi naman si Kaori sa idea na yun..

Bakit nga ba hindi ko subukan? Kung sa babae nga naman hindi ako matatakot na baka mabuntis ako, pero..

"Sino naman?"

"Aba! Madali lang yan! Sa dami ng nagkakagusto sayo sa school mapababae man, di ka mahihirapan." sagot ni Jethro na nakipag apir pa kay Aljon.

Naging malalim naman ang pag-iisip ni Kaori dahil sa idea na iyon at pinabayaan na lang siya ng mga kaibigan nya.

Nabibilang si Kaori sa grupo ng mga kabataan na mamayaman at taga pagmana in short Elitista. Mga walang magawa sa yaman ng pamilya kundi waldasin sa kung ano anong bagay.

Pinanganak na mayaman si Kaori Brienne Oinuma dahil pagmamay-ari nila ang pangalawang pinakamalaking kompanya ng cruise ship sa buong mundo at likas sa kanya ang pagiging adventurous. Sa edad na dalawapu't tatlo ay marami na itong napuntahang lugar, nakainan at nasubukang gawain. Maliban sa sinabi ng mga kaibigan niya..

Hindi niya pa nararanasan makipag relasyon kahit kanino. Para sa kanya ay hassle lamang ito. Makaka-istorbo sa mga gusto nyang gawin sa buhay. Hindi siya magiging malaya kapag nagka-nobyo siya at hindi niya ugali na mag-please sa tao kaya para kay Kaori Brienne ang pagpasok sa relasyon ay hindi para sa kanya.

--------

"Jelay! Gumising ka na! Baka ma-late ka sa school mo, graduating ka pa man din."

Walang kalatoy latuy na naupo si Jelay sa kanyang kama na nakapikit pa rin ang mata..

"Jillian Pax!! Kumilos ka na!" napapitlag si Jelay sa malakas na sigaw ng kanyang ina kaya agad siyang napabangon sa kama niya..

"Mie naman nang-gugulat ka!" reklamo nito na nakamot pa sa ulo niya.

Bondwoman (JELRI FANFICTION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon