Dahil napagod silang lahat sa paglalaro ng Volleyball ay naligo lang sila saglit sa dagat at kumain na. Pagkatapos kumain ay nagsibalikan sila ng kwarto nila.
Hinatid pa ni Rhys si Jelay sa kwarto nila na nakita ni Kaori..
"Let's sleep.." agad na aya ni Kaori dito at tinapik ang kama.. Inirapan lang siya ni Jelay.
"What??" takang tanong nito
"Akala mo hindi ko alam?!"
"Ang alin?" kunot noong tanong nito
"Sobrang higpit ng yakap mo sakin kagabi! Chansing ka!" reklamo ni Jelay dito
"Chansing?" tumawa ng mahina si Kaori sa sinabi nito..
"Anong nakakatawa?!" mataray na tanong nito
"You're too loud! Let's sleep.. Lika na dito.." aya pa rin sa kanya ni Kaori at hindi pinansin ang sinabi nito.
Nang hindi kumilos si Jelay ay hinawakan siya ni Kaori sa palapulsohan nya at hinatak pahiga ng kama.
"Aw.. Aww.." daing ni Jelay
"Why? Aso ka na? Haha" natatawang tanong ni Kaori kaya nakatanggap na naman siya ng masamang tingin kay Jelay.
"Masakit kasi!! Tingnan mo oh.." pinakita ni Jelay ang namumula nya pa ring kamay dito "Namamaga na nga ata.."
Nakaramdam ng pagkahabag si Kaori sa nakita dito..
Tumayo siya at nagtungo sa mini ref na tubig lang at ice cube ang laman..Kumuha siya ng bimpo at nilagyan ng yelo sa loob..
Maingat nyang kinuha ang kamay ni Jelay at dinampi dun ang bimpo na may yelo."It will ease the pain.." sambit nya habang nakatuon ang pansin sa namumulang kamay ni Jelay.
Hindi mapaliwanag ni Jelay ang kabang nararamdaman ngayon habang pinagmamasdan si Kaori sa ginagawa nito..
Bolta boltahing nararamdaman niya sa mga haplos nito..
Bakit mo ba ito ginagawa?
Pagkatapos sa kabilang kamay ay lumipat naman sa kabilang kamay si Kaori..
Nang matapos siya ay dun nya lang inangat ang ulo at tumingin kay Jelay.."Don't get the hard ball.." seryosong ani nun.
"Para ano? Para kayo ang manalo at makapag dinner date with kiss pa?"
"No. Why are you hurting yourself to win? To have a free dinner date?!" may halong galit sa boses nito kaya nakaramdam ng konting tuwa si Jelay sa loob loob nya.
"If you want a free dinner date, i can give it to you.." napatawang pagak na lang si Jelay sa kanyang isip sa sinabi ni Kaori.
Akala ko nagseselos pero ayos lang pala sa kanya..
"Bahala ka sa buhay mo!" pikon na sagot nya dito at nahiga na..
Tinabi ni Kaori ang ginamit niya bago bumalik kay Jelay at maingat na nahiga sa tabi nito..
Nakatalikod ito sa gawi nya kaya kinalabit nya ito paharap pero di siya pinapansin nito..
"Hey, let's sleep.." lambing sa kanya ni Kaori
"Natutulog na ako! Wag kang magulo." singhal ni Jelay dito
"Hug.." pangungulit sa kanya ni Kaori. Nang hindi nya ito sinagot ay naramdaman niya ang braso nitong nakayakap na sa kanya mula sa likod.
Napahinga ng malalim si Jelay at sinubukang tanggalin ang yakap nito pero masyado iyong mahigpit.
Epal talaga! Saad ni Jelay sa isip niya at pinabayaan na lang ito..

BINABASA MO ANG
Bondwoman (JELRI FANFICTION)
FanfictionKaori Brienne is an adventurous young woman. She wants to experience EVERYTHING. Due to peer pressure she became curious about sex. But she don't want to get in trouble like unexpected pregnancy, so she look for a SHE to be her bedwarmer. The best...