28

1.2K 59 21
                                        

Hilam ang aking mga luha na umuwi sa bahay. Sinalubong ako ng may pagtataka at pag-aalala ni Mommy.

"Jelay.. Anong nangyari sayo?" para akong batang yumakap sa kanya at umiyak sa dibdib niya..

"Mommy.." tawag ko sa pangalan nya na parang nagsusumbong.

"Bakit ka umiiyak?" nagugulohang tanong nito ngunit hindi ko siya sinagot. Nanatili lang akong umiiyak sa dibdib niya..

"Si Kaori ba may gawa nito?!" may galit na tanong nya kaya ako kinabahan..

"Mie, h-hindi" agad na pagtanggi ko.

"Anong hindi?! Akala mo ba hindi ko napapansin?! Ina mo ko kahit hindi mo sabihin sa akin alam ko nangyayari sayo! Ramdam ko!" galit pa rin na turan niya

"Mie, hindi nga.." patuloy na pagtanggi ko habang umiiling.

"Hinding hindi na makakapasok sa pamamahay natin yang 'friend' mo na yan!" saad ni Mommy na binigyang diin ang salitang friend..

"Mie.. Wag kang magalit sa kanya." pinilit kong tumigil sa pag-iyak para kumalma si Mommy pero ang sakit sakit pa rin ng nararamdaman ko. Naasa pa rin ako na babawiin lahat ni Kaori ang sinabi niya at babalik siya sakin.

Hindi naman siya nakipag-break. Hindi pa kami nagbrebreak kaya baka sakaling bumalik pa siya sakin..

Inangat ni Mommy ang ulo ko at pinaharap sa kanya.. Pinunasan niya ang luha ko habang umiiyak na rin.

"I'm sorry anak.. Hindi ko rin naramdaman na sasaktan ka niya. Nagtiwala din ako sa kanya. Kasalanan ko ito. Dapat una pa lang ng maramdaman kong merong namamagitan sa inyo pinigilan ko na kayo. Sana una pa lang. Nabigo ako bilang ina na dapat protektahan ang anak ko. Patawad anak." todo na rin ang pagluha ni Mommy na lalong nagpadurog sa puso ko..

Hindi niya dapat sinisisi ang sarili niya sa nangyari sa akin. Ako lang may kasalanan dahil ang bilis kong nagtiwala kay Kaori. I never saw the sign that she will just hurt me at the end.

"Please stop crying anak.. Ayukong nakikita kang umiiyak.. Please anak." may pag-mamakaawang saad ni Mommy.

Tuloyan na akong huminto sa pag-iyak at inalalayan niya akong maupo sa couch. Binigyan niya rin ako ng tubig na agad kong ininom.

"Wag ka ng umiyak anak. Baka magising ang Daddy mo at malaman ito. Alam mo kung gaano ka kamahal ni Daddy mo kaya baka sugurin niya yung Kaori na yun kung nasaan man siya." patuloy na pag-aalo sakin ni Mommy. Hinihagod nya rin ang likod ko habang nainom ako.

Pagkatapos ko ubusin ang laman ng baso ay binalik ko iyon kay Mommy. Binalik niya ang baso sa kusina at naiwan akong nakatulala lang sa sala.

"Pinalaki kitang malakas, Jelay.. Wag mong hayaan na wasakin ka ng nararamdaman mo" may pait sa boses na saad ni Mommy.. Nanatili lang akong tahimik

Inaalala ang mga nakita ko kanina.
I can't imagine Kaori moaning another name. It really wreck me. Hindi ko matanggap na for experience lang nya pala ako.

"Matulog ka na. Magpahinga at gamotin ang sarili mo.. Unti unti malalagpasan mo rin iyan. Nandito kaming mga tunay na nagmamahal sayo." nilingon ko si Mommy sa sinabi niya.

"Mie, okay lang sa inyo kahit parehas kaming babae ni Kaori?" ngumiti ng matamis si Mommy sa akin pero may lungkot pa din

"Kung saan ka masaya, tanggap ko pero kung sasaktan ka lang niya, ako ang unang magagalit anak." marahan akong tumango kay Mommy

"Salamat, Mie.." kailangan kong maging malakas. Kailangan kong bumangon ulit at buohin ang sarili ko para sa iba pang nagmamahal sa akin.

                                                            

Bondwoman (JELRI FANFICTION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon