Kinabukan ay tanghali akong nagising. Kaninang umaga lang kasi ako hinatid ni Kaori sa bahay at aaminin ko, kakahiwalay pa lang namin pero namimiss ko na naman siya. Kung pwede lang magsama na kami sa iisang bahay gagawin ko pero okay lang magkikita naman kami mamaya din sa birthday party ko.
Ipapaalam ko na rin kay Karina at Lie ang tungkol sa amin. Ayuko ng ilihim ang tungkol sa amin. Kung totoong kaibigan ko sila Lie at Karina, irerespeto nila ako sa desisyon ko.
Bumangon na ako sa kama at napadako ang tingin ko sa yellow tulips bouquet na bigay ni Kaori.. Napaka-sweet talaga. Sarap sarap! Char
Kinuha ko ang cellphone ko para i-check kung may text si Kaori pero wala kaya ako na lang nagtext sa kanya.
To: Bibi Love
Kakagising ko lang Bibi. See you later! MuahMasaya akong bumangon at nagtungo sa kusina. Naabutan ko si Mommy na nagbabake ng cake.. Gusto niya kasi siya ang gagawa ng cake ko.
Tapos na siya gumawa. Nilalagyan niya na lang ng design.
"Mie! Ang galing nyo po talaga!" masayang komento ko sa kanya at naupo malapit sa countertop.
Nakangiting sumulyap sa akin si Mommy at napadako ang tingin nya sa daliri ko. Sa singsing na bigay ni Kaori..
Pasimple kong tinago ang kamay ko at kumuha ng tubig para uminom muna.
"Saan kayo pumunta ni Kaori kahapon?" tanong ni Mommy.
"Sa Tarlac po. Sinama niya ako sa greenhouse na pamana sa kanya ng lola niya." pag-amin ko.
"Nag-enjoy naman kayo?" nakangiting tanong nito.
Muntik na akong mabilaukan ng ibang 'enjoy' ang pumasok sa isip ko.
"Oo naman, Mie. Hehe" awkward na tawa ko.
Nagkwentuhan pa kami ni Mommy tungkol sa gaganapin na birthday ko mamaya hanggang sa umakyat na ako sa kwarto para magpahinga muna..
Wala pa ring text si Kaori kaya tinawagan ko na siya bago pumunta ng Laguna kung nasaan ang resort namin.
The number you have dialed cannot be reached please try again later
Kumunot ang noo ko sa narinig. Bakit di macontact ang number nya? Hays.
Paulit ulit ko siyang tinawagan at tinext pero di siya nagrereply.Kakarating ko pa lang sa resort pero nakakaramdam na ako ng pagka-irita.
May mga sumalubong saking kakilala ni Mommy at Daddy. Nakiplastikan lang ako saglit sa kanila at naghanap pa ng ilang mukang kakilala.Simpleng pool party lang naman itong birthday ko. Pinasara lang namin ang buong resort at nag-decor ng mga balloons na kulay black and gold. Swimming, Foods and music. Ganun lang. 24 na ako, di ko na kailangan ng bonggang birthday.
Ilang saglit pa ay dumating si Rhys. Malaki ang ngiti habang papalapit sa akin.
"Happy Birthday, Jelay." bati nya at inabot sa akin ang isang napakalaking teddy bear at bouquet of red roses.
"Thank you, Rhys!" masayang bati ko sa kanya.. "Wala pa yung ibang nating kaibigan. Maupo ka na lang muna dito." inaya ko siya sa table na naka-reserve para sa kanilang mga kaibigan ko.
"They're on the way.." pahayag niya.
"Sige. Samahan na lang muna kita habang wala pa sila. Wala din naman akong gaanong mga kakilala talaga maliban sa inyo." mga ilang kakilala lang din namin sa Batangas ang invited kasama si Lolo pero andun siya kasama sila Mommy at Daddy.
"How are you, Jelay?" tanong nito sa akin..
"Okay naman. Masaya ako!" nakangiting sagot ko sa kanya

BINABASA MO ANG
Bondwoman (JELRI FANFICTION)
FanfictionKaori Brienne is an adventurous young woman. She wants to experience EVERYTHING. Due to peer pressure she became curious about sex. But she don't want to get in trouble like unexpected pregnancy, so she look for a SHE to be her bedwarmer. The best...