" Good morning, Miss Ava."
Agad na bati sa kanya pagbaba niya nang grand staircase.
" Good morning."
Nginitian niya ang maraming naka uniporme na housemaid na naka paligid sa kanya.
" I'm here for breakfast."
Sabi niya at agad naman siyang nilapitan nang housemaid at iginiya kung saan naka handa ang almusal.
" This way, Miss Ava."
Sumunod siya dito, at hindi niya napigilan, na tumigil saglit sa mga nadadaanan na painting sa hallway.
" Oh!"
Iyon lang nasabi niya nang makita kung saan nakahanda ang breakfast. Lumapit siya sa gilid nang swimming pool.
Huminga siya nang malalim at sumamyo ng hangin habang nakatayo sa gilid ng pool.
" Congratulations! You caught the most sought-after bachelor on this part of the planet."
Nilingon niya ang nagsalita, it is Martina. Meron itong ngiti na hindi niya
gusto. Is it jealousy in her eyes?" Martina, right?"
Hindi ito sumagot, sa halip tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.
" José Luis, not long engaged and now getting married."
Iiling iling ito.
" I have no idea what you did, but all of his girlfriends did not last. And the unfortunate Maria Fernanda his longest girlfriend killed herself on their wedding day."
Para siyang kinilabutan sa ngiti na sumilay dito. At tumalim nang muling tumingin sa kanya.
" You're no better than them Ava, he might divorce you after a month."
Kumpyansa nitong sabi.
" Really? That's good to hear, then. I don't want to be here anyway. Least of all, become Mrs. Frias."
Kumuyom ang palad nito sa kanyang sinabi. Natigil lang sila nang makitang papalapit si José Luis.
" Good morning, Martina."
Bati nito kay Martina at lumapit sa kanya. Humawak sa kanyang mga beywang ang palad nito.
" Good morning, querida."
Hindi siya umiwas nang bumaba ang labi nito sa kanya. Nakita niya sa gilid nang kanyang mga mata ang talim ng tingin nito, bago siya pumikit upang gumanti ng halik kay José Luis.
BINABASA MO ANG
Boss Series 7 : The Playful Boss
RomanceAva Mondragon Santillian- young heiress doctor in profession and hospital administrator. Born with a golden spoon she likes to party, and loves truth or dare to play. And she always chose Dare! She entangled her life with Jose Luis Frias a young bi...