Chapter 3

5.4K 162 6
                                    

Rio de Janeiro, Brazil

" Mr. Frias, here are the result of the investigation."

Nakatayo ang lalaki sa pinakamataas na palapag na building na kanyang pag aari. Madiin ang hawak nito sa baso na may brandy.

" What took you so long? It's been a year now."

Nakatiim ang anyo nito. Walang sumagot sa private investigator na nandun. Gumamit ito nang malaking pera para mahanap ang babaeng stripper na regalo dito noong stag party niya.

" They're also an influential family, Mr. Frias."

Bigla itong bumaling sa sagot nang private investigator.

" Tell me who she is?"

Lumapit ito sa kanyang mamahaling desk at naupo sa swivel chair.

" She's Ava Santillian, Mr. Frias. A billionaire daughter and heir."

His lips formed into a thin line. He knows it, she's not used to stripping.

" Continue."

Ma awtoridad nitong utos.

" She's Filipina, a doctor in the profession. Had her further study last year. And we can't find her because she flew back home three days after the incident."

Dumilim ang mukha nito nang mabanggit ang nangyari isang taon na ang nakakaraan.

" Here are the other information about her and her family."

He took the envelope. At nang buksan ito tumambad dito ang mga larawan nang dalaga. Mula sa mga parties sa ibat ibang bansa.

" They own hotel and resort all over Asia and wants to expand to Europe and Latin America."

Tumango ito sa mga kaharap at dinis miss nito.
Paglabas nang mga ito, nahulog ito sa malalim na pag iisip. Habang nakatitig sa maganda nitong mukha na nakangiti.

" I'm willing to give you money, didn't know you don't need it. But you have to pay me, Ava Santillian."

Muli itong tumayo at tumingin sa labas nang matayog na building. His life is in chaos after meeting Ava.

Matapos tumingin sa labas na parang may nakuhang sagot, muli itong bumalik sa desk. Tinawagan ang mga dapat tawagan.

" I have to implement my plan soon."

Bumalik ang mata nito sa mesa at kinuha ang isang larawan ni Ava. Inilagay nito sa bulsa nang suot na coat sa tapat nang dibdib.

" I'm going to see you again, Miss stripper. And you will strip for real."

Pangako nito sa sarili.

High-end bar Manila

" Truth or dare, Lavin?"

Nakangisi niyang tanong kay Lavin na katulad niya tipsy na din.

" Dare!"

Matapang nitong sabi, mas lumaki ang kanyang ngiti at iginala ang tingin.

" I dare you to kiss that man!"

Turo ko sa isang lalaki na mag isa na umiinom.
Matapos uminom nang isa pang shot sa whisky lumapit na si Lavin sa lalaki.

" Oh!"

Hindi nila napigilan na sabi nang hapitin si Lavin nang lalaki at ito ang humalik sa dalaga na hindi maka galaw sa hawak nito.

" That was hot Lavin."

Natatawa nilang sabi pagbalik nito sa kanilang upuan.

" Damn you, Ava. I can't wait for your turn. And I will dare you to run naked on this bar."

Ani Lavin at muling uminom ng alak. Pero bago pa ang kanyang turn, dumating na sina Aidan at mga kaibigan nito. Natigil ang laro, or else uuwi sila nang maaga.

" I guess I'm lucky tonight."

Nakatawa niyang sabi at nakontento na lang sa pag inom, pagkanta at pagsasayaw.

Ganun niya ginugol ang kanyang buhay. Trabaho during weekdays at a party every weekend.

Tulad ngayon Friday nang hapon at tumawag ang kanyang kapatid.

Tinawanan lang niya ito sa akusa nito siya ang me gawa kaya hindi ito natuloy sa weekend getaway nito sa Thailand.

" Gusto mo matuloy ang lakad ngayong weekend or gusto mo lang isama ko si Dia?"

Nanukso niyang tanong sa kapatid. Dahil hindi na ito nababalita na me kasamang babae, mula nang mag trabaho ang dalaga sa opisina nito.

" Think whatever you want, Ava. There is no seat available for you if you did not bring her along."

Pagkasabi noon, ibinababa na nito ang tawag.
Natatawa na lang siya dito. Pero hindi niya aaminin na siya nga ang gumawa noon.

Matapos ang huling meeting niya nang araw na iyon, pumunta siya sa opisina nang kapatid na madalang niyang gawin.

Hey, Dia. What's up?"

Nag angat ito ng mukha mula sa inaayos na mga papel.

" Bakit naligaw ka yata sa teritoryo ng kapatid mo?"

Tanong nito na nginitian lang niya.

" Ikaw ang ipinunta ko dito hindi si Aidan."

Umupo siya sa gilid ng kanyang table.

" Kaninang lunchtime parents mo ang bumisita para kumustahin ako. At ngayon naman ikaw? Wala ba talaga kayong tiwala kay Aidan sa pwede niyang gawin sa akin?"

" Hindi, ano ka ba? Alam mo naman hindi magagawa ni Aidan na pakialaman ka kasi matatapos ang maliligayang araw niya."

Sabi niya dito but she doubts it kung tutupad ba si, Aidan. Si Dia lang ang naalala niyang nagustuhan nito, pero nasapak lang ito nang dalaga nang magtangka na mag pa-cute.

" Me lakad ka ba this weekend?"

Tanong niya dito,umiling agad ito.

" Ayaw ko nang mag bar Ava. I can't get up, last  time we had drinks."

" Sa Thailand tayo pupunta."

Sabi ko at ginawa ang lahat para makumbinsi ito. Dahil hindi siya isasama ng kapatid kung hindi niya maisasama ang dalaga.

Natigil lang sila sa pag uusap ng bumukas ang elevator.

"Mr. Jose Luis Frias."

Nakangiti na bati ni Dia sa bagong dating. They're foreigners at kung hindi siya nagkakamali mga Latino ito.

Hinubad nang sinabi nitong Mr. Frias ang maiitim nitong sunglasses. At nagtama ang mata nila, ang olive green nitong mga mata na nalulunod siya.

" This way please."

Sabi ni Dia,pero hindi natinag ang lalaki na hindi siya hinihiwalayan nang tingin. Nakadama siya nang takot sa klase nang tingin nito.

" Go ahead, I will just follow. I need to get a few words from a beautiful lady here."

Agad siyang tumayo, at nagtungo sa elevator.

" Hindi kita naintindihan."

Pag iwas niya dito.

" Running away again Ava? I won't let you. Not this time!"

Natilihan siya nang banggitin nito ang kanyang pangalan.Kilala siya nito?

" You can run, but you can't hide Ava Santillian. We will see each other again."

Narinig pa niyang sabi nito, bago siya pumasok sa elevator.

Boss Series 7 : The Playful Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon