Chapter 25

5K 130 0
                                    

" Kumusta, Ma'am Ava?"

Tanong sa kanya mula sa kanyang gilid. Na nginitian niya.

" Nay Helen, ikaw ba yan?"

" Yes ma'am. Pina sundo ako ni Sir Luis para makasama mo."

Sabi nito at nakapag pagaan sa loob niya.

" Ow, salamat naman kung ganun. Hindi ko sila maintindihan."

Natatawa ito sa kanya.

" Alaga na alaga ka nang asawa mo, Ma'am Ava. Alam mo ba na may sampo kang bodyguard na nasa tabi mo? At dalawang private nurse?"

Pag imporma nito sa kanya, na nakapag pasinghap sa kanya.

" Bodyguards? Why do I need bodyguards?"

At iniikot ang mga mata na para niya itong makikita.

" Sinisiguro lang ni Sir Luis ang kaligtasan ninyo, Ma'am Ava. Ayaw niya marahil mangyari sa iyo ang nangyari sa kanyang mapapangasawa dati na si.."

Bigla itong tumigil sa pagsasalita.

" Pasensya na."

Hingi nito nang paumanhin, pero umangat lang ang palad niya bilang tanda na ayos lang sa kanya.

" Why what happened to her?"

Usisa niya marahil pinagtakpan ang nangyari para iwas sa eskandalo.

" Binaril si Maria Fernanda habang si José Luis ay nakidnap sa araw nang kanilang kasal."

Sabi nito at hindi napigilan ang pagsinghap sa narinig na kwento.

" Meron na bang nanagot sa nangyari?"

Tanong niya ang lakas nang tibok nang kanyang puso.

" Of course, pinaka ma impluwensya si Sir Luis dito sa Brazil."

Natahimik siya. Marahil pinalabas ni Luis na ganun ang nangyari at hindi ang totoo. Katulad nang sinabi nito sa kanya, kasalanan niya ang lahat. At ang mananagot, ay siya dahil siya ang may kasalanan.

Ano ang plano ni José Luis sa kanya? He will make her suffer for sure. Pasasakitan ba siya nito hanggang magpakamatay din siya?

" Huwag kang mag alala, Ma'am Ava. Hindi hahayaan ni Sir Luis na maulit ang nangyari."

Sabi nang mayordoma at tinapik tapik pa ang kanyang balikat.

" Tapos na akong kumain, Nay Helen. Gusto ko na pumasok sa loob."

Sabi niya dito at naramdaman niya ang paglapit sa kanya nang isang private nurse at itinulak ang kanyang wheelchair. Hindi niya alam kung gaano kalaki ang bahay ni José Luis pero pag wala ang asawa sa elevator siya pinapadaan para mag akyat baba sa palapag.

" I will stay on the veranda. Thank you."

Sabi niya sa kanyang private nurse, at dinala naman siya nito.

" I will return for your medication Ma'am."

Paalam nito, muli siyang nagpaalam. Madalas na wala si, José Luis, at minsan tumatagal nang tatlo hanggang limang araw. Sinamyo niya ang hangin at alam niya maaliwalas.

Nakadama siya nang kaba sa sinabi ni Helen. Kaya siguro siya gusto paibigin ni José Luis, mag ka anak dito at kukunin nito sa kanya. Mabuti na lang at nag contraceptive pills siya bago ang kasal at alam niya safe pa din siya nang sumunod ito sa kanya.

Pero hindi na siya nakapag pills ngayon. Considerate naman ang asawa dahil hindi siya nito ginalaw, nagkakasya na lang ito sa pagyakap sa kanya. Gusto na niya makakita gusto niyang malaman ang sanhi nang aksidente.

Mariin siyang pumikit at kumurap kurap,ginala na niya ang paningin. Puno pa din nang kadiliman.

Hindi niya napigilan ang mapa iyak, tumulo ang luha niya natatakot at nahahabag siya sa sarili.

Hanggang unti unting magkaroon nang kulay ang paligid. It's not clear but a blurry vision.

" Oh, God! Thank you."

Sambit niya, ginala niya ang paningin ang una niyang tiningnan ay ang dagat na parang nag aanyaya. Bumaba ang tingin niya at tama si Nay Helen ang dami naka kalat na mga naka uniporme na bodyguard. At binalik niya ang tingin sa kama, ang million-dollar na bed ni, José Luis.

Napabaling siya sa ibaba nang me pumasok na mga sasakyan. Sa unang sasakyan pinagbuksan ang passenger set at lumabas doon ang asawa na naka three-piece suit. At ang kasunod na sasakyan ay mga bodyguards nito.

Nanatili siyang nakaupo sa kanyang wheelchair. Blanko ang kanyang mukha. Alam
niya sa kanya agad tutuloy ang asawa tulad nang nakagawian nito.

Hindi siya nagkamali, pagkatapos nang ilang saglit bumukas ang pinto nang kanilang silid.

" How are you, Ava?"

Tanong nito sa kanya at hinalikan siya sa ibabaw nang kanyang ulo.

" My body is recovering I guessed. I'm not sore anymore. But my eyes.."

Hindi niya itinuloy ang sasabihin.

" Meron na akong kinausap na espisyalista. They will come after three days, Ava."

Hinaplos nito ang kanyang mukha.

" What if I can't see anymore."

Sa malayo siya nakatanaw ayaw niyang makita si José Luis at baka mahalata nito na nagsisinungaling siya.

" We will try everything, don't lose hope. Let's get inside ."

" Sure, Luis."

Humawak siya sa braso nito at tumayo.

" Let me carry you, Ava."

Sabi nito habang nakahawak siya sa braso nito.

" I'm not crippled, I'm blind Luis."

Sabi niya at pumayag na maalalayan nito. Hanggang makarating sila sa kama.

Noon naman may kumatok at pinapasok ni José Luis. Ilang maids ang pumasok na madaming dala na paper bag. Kinausap ito ni Luis sa lenggwahe nito.

Matapos ipasok sa walk-in closet ang mga shopping bags, pinalabas naman na ito ng kanyang asawa.

" Those were your things. You can't go shopping so I did it for you."

Sabi nito at nagsimula na itong maghubad sa harap niya. Tumingin siya sa ceiling at tama ang sinabi nito na wala ngang salamin.

" I'll take a shower, then I will take you outside."

Sabi nito at walang itinira sa katawan.

" What outside? I don't want to go outside Luis."

Sabi niya dito at napatingin dito, at ganun din ito sa kanya. Napakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya.

Lumapit ito sa kanya, at mataman siyang tinitigan pero pumikit siya.

" Ayaw kong lumabas."

Sabi niya at tumagilid nang higa, patalikod dito. Pero pinaharap siya nito.

" Ava, look at me."

Sabi nito sa kanya ang ginawa niya ay kinapa niya ang mukha nito sa kanyang mga palad. At inilapit ito sa kanya, sa mga labi nito itinuon ang mga mata.

" Luis, I'm looking at you."

Natawa ito nang mahina at bumaba ang labi nito sa kanya.

" You're looking in my lips, Sweetheart."

Sabi nito nang humiwalay ang labi nito.

"Oh!"

Sabi niya at dinama nang thumb finger ang mga labi nito.

Boss Series 7 : The Playful Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon