Chapter 28

5K 142 1
                                    

" Ava have a rest, please. You just recover from the accident."

Hinawakan siya sa balikat nang kanyang ina. Kadarating lang nito kasama ang kanyang ama. Agad ang mga itong pinuntahan siya nang sabihin niya ang nangyari sa asawa.

" Okay lang ako mama, baka magising si Luis. Gusto ko ako ang makita niya."

Muli siyang tumingin sa asawa na nasa Intensive Care Unit. Nasa critical itong kalagayan at still sedated kaya nakakabit ito sa mechanical ventilator. Madami ding mga nakakabit ditong mga infusion.Tumama ang bala sa baga nito at kailangan nang chest drain.

" Stay in the room, Ava. Wag nang matigas ang ulo."

Sabi nang kanyang ama, meron naka reserved na presidential suite para kay Luis at doon siya nag stay para matulog.

Hinawakan siya nang kanyang ina at inalalayan para bumalik sa kanyang inuokopa na kwarto.

" Ava, he will be okay. Don't worry."

Niyakap siya nang kanyang ina nang maupo siya hospital bed na parang pagod na pagod.

" I'm so scared mama. I have never been so scared in my entire life, ngayon lang."

Umiiyak niyang sabi habang nakayakap sa kanyang mama.

" I understand Ava, mahal mo ang asawa mo. And nakita namin ang pag alala niya sa iyo, kaya alam namin kung gaano ka kahalaga sa kanya."

At isipin pa lang na ginawa nitong shield and sarili para lang masiguro na hindi siya masaktan.

" It's true he will trade places for me."

Patuloy pa din ang pag tulo nang kanyang luha.

" Stop crying Ava, you might stress again your optic nerve. Baka muli kang hindi makakita."

Sansala nang kanyang mama at pinahid ang kanyang mga luha.

Noon bumukas ang pinto at pumasok ang mga magulang ni José Luis. Nagkakilala na ito at magulang nila.

" Still crying, hija? Luis will not like it. He only wanted to give you happiness."

Sabi nang mama ni José Luis.

" I can't help it, Mama."

Sabi niya at pinahid ang mga luha.

" I know, have faith, Ava. He will return to us."

Pagpapalakas nito nang loob, at tumango siya.
Hinawakan niya ang kanyang dibdib she's really in pain. Madami siyang gustong linawin sa asawa, at madami siyang gustong gawin kasama ito.

" Have a rest, Ava."

Muling hiling nang kanyang ina, kaya hindi na siya komuntra nang alalayan siya nitong mahiga.

Hindi siya iniwan nang ina at hawak lang ang kanyang kamay.

" Luis really loves your daughter. He said she will be a good mother and wife. Judging from you Ivanna, I know my son is right."

Narinig niyang sabi nang ina ni José Luis.

" It's not the fortune we want to pass on to my children but love for the family. And I hope Ava can do the same to her family."

Napangiti siya dahil naniniwala siya na mahal siya nang asawa. Hanggang mahulog siyang sa malalim na pag tulog.

Bigla siyang balikwas nang bangon at agad na lumabas nang kanyang silid. Nagmamadali siyang pumunta sa ICU, malakas ang tibok nang kanyang puso.

" Oh, God! Luis! Luis!"

Kinalampag niya ang salamin na dinding nang ICU. Kitang kita niya ang pag kakagulo nang team. Meron nag a Ambu bag sa kanyang asawa.

" What happened? I thought he's recovering?"

Umiiyak niyang sabi, habang hindi tumitigil ang pag subok nang buong team na I resuscitate ang kanyang asawa.

" He had internal bleeding, Ava."

Sabi nang kanya ama. Mahigpit siyang hinawakan sa balikat dahil pakiramdam niya anumang oras ay babagsak siya sa sahig.

" Hindi pwede Papa! Ayaw kong mawala si Luis. Tell them to do everything!"

Sigaw niya ay dinaluhan siya nang kanya ina.

" Ava, ginagawa nila ang lahat."

Sabi nang kanyang ina, habang hinihimas ang kanyang likod.

" Ma, Pa. Mahal ko si Luis. Ayaw ko siyang mawala. Luis, lumaban ka."

Pagsusumamo niya na para bang makikinig siya nito. Hindi niya alam kung ilang gamot ang itinurok sa kanyang asawa para lang bumalik ang tibok ng puso nito.

" No! No! No! Don't stop please!"

Sigaw niya nang tumigil ang mga ito sa pag salba sa buhay nang kanyang asawa.

" Luis, please don't leave me. I love you please don't leave me!"

Umiiyak niyang sigaw na halos panawan siya nang ulirat.

" Ava, Ava! Ava!"

Tawag nang kanyang ina, sige pa din ang kanyang pag iyak at pag sigaw.

" Ava!"

Isang malakas na yugyog ang nakapag pa gising sa kanya sa masamang panaginip.

Panaginip nga ba?

" How's Luis? Where is Luis?"

Agad niyang tanong at bumangon siya sa kama.

" He's fine, Ava. They're starting to wean him from sedation. Baka bukas magising na siya."

Sabi nang kanyang ama. Pero tumayo pa din siya sa kama at lumabas nang kwarto.

" Ako na ang sasama sa kanya, Mahal."

Sabi nang kanyang Papa nang akmang tatayo ang kanyang ina.

" You never stop crying Ava, kahit sa pag tulog umiiyak ka."

Sabi nang kanyang ama habang katabi niyang nakatayo sa salamin nang ICU at nakatingin sa asawa niya na nakahiga sa ICU bed habang madami pa din aparato na naka kabit.

" I thought he doesn't love me, Papa. Akala ko gumaganti lang siya sa akin dahil sa ex-fiancé na hindi natuloy ang kasal dahil sa akin."

Naramdaman niya ang paghagod nang palad nang kanyang ama sa kanyang balikat.

" Ava, hindi ang pagsasabi nang I love you and basehan para masabi mong mahal ka ng isang tao. Luis, did everything just to have you. Nag invest siya sa atin kahit hindi niya kailangan. Kaya niyang iwan ang kanyang trabaho para lang mapuntahan ka nang maaksidente ka. I will not allow him to take you if I did not see how much you mean to him. He loves you Ava, katulad nang pagmamahal ko sa mama mo. And I'm happy for you."

" Bakit kailangan na ngayon ko lang makita iyon? Kailangan pang malagay sa bingit ang buhay niya? I will be devastated Papa if I lose him. Hindi ko nasabi na mahal ko na siya."

" Hindi mo ba natatandaan ang sabi niya?"

Umiling siya dahil naukopa ang isip niya sa iniisip na paghihiganti ni José Luis sa kanya.

"He is happiest when he is by your side."

Nakangiti na sabi nang ama na parang bang sapat na ang sinabi nito na magiging masaya din siya sa piling nang asawa.

Boss Series 7 : The Playful Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon