Chapter 18

4.8K 126 0
                                    

" Well, not bad!"

Masaya na sabi ni Csezah habang tinatanaw ang paligid.

" Bakit ka pala andito? Hindi ka naman kasama sa nagplano na paiyakin si Aidan ah?"

Tanong niya sa kanyang pinsan na matagal na namalagi sa Spain.

" Yeah, but I need to be punished, Ava. According to papa."

Sabi nito at bumaba na nang bangkang de motor. Iyon ang mode of transportation dito. Masyado ito malayo sa mainland para magawan ng tulay.

At isa lang talaga itong maliit na isla, dalawang baranggay at mahigit limandaan lang ang pamilya.

"Welcome!"

Salubong sa kanila at dinala sila sa mesa na merong nakahain na mga preskong laman dagat.

" Thank you."

Sabay sabay nilang bati sa mga tao na nakapaligid sa kanila.

" Para naman kayong mga artista na gagawa nang pelikula."

"Magaganda pa sa artista."

Narinig nilang papuri nang mga tao na magalang silang nagpa salamat.

Matapos kumain, dinala sila sa mga cottages na gawa sa kawayan at ang bubong at dinding ay gawa sa dahon nang niyog.

" Hay, this is life!"

Sabi ni Csezah, at pumasok sa loob nang cottage, na merong kawayan na papag.

" This is like my tatay's kubo."

Sabi ni Scarlet, na pumayag na din kasi na bawasan ang nagbabantay dito.

Sa bawat cottage tatlo silang mag share nang.
Maliban sa bodyguard ni Lavin at Scarlet na magkasama sa isang cottage.

But she doubts it, hindi na siya magtataka kung magkasama ang mga ito sa isang kubo.

" And no toilet here inside?"

Tanong niya, itinuro ni Lavin ang dalawang nakahilirang pinto.

"That must be the toilet."

" Dia!!!!"

Sigaw niya dahil sa napasukan na sitwasyon.

" Maybe they are in the middle of something at mapa sneeze siya dahil sa iyo Ava."

Natatawang sabi ni Czesta.

" Hay, I will be her evil sister-in-law when she came back from honeymoon."

Sabi niya at umupo sa kawayang upuan.

" Maybe if we finish Tita Natasha's project, we can go home early."

Suhestiyon ni Lavin.

" I doubt it, hindi nauubusan nang project si Tita Natasha. She can bring us to the mountains. Meron din community si Tita na tinutulungan doon."

" At least there is a signal here."

Sabi ni Csezah na nagsimula na magpipindot nang cell nito.

" Hindi yata ako tatagal dito."

Sabi niya, gusto niyang maiyak habang nakatanaw sa dagat. Sana pala sumama na lang siya sa kanyang asawa,pero alam niya magtatanong ang magulang. Malulungkot ito sa ginawa niya.

" But we have to endure this Ava. Look at the bright side,makakatulong tayo. At isipin natin nakabakasyon tayo."

Sabi ni Lavin, naka tanaw kay Nicholo na bodyguard nito. Naglalakad na nakapaa at pantalon lang ang suot.

" Meron kasing magandang tanawin para sa iyo kaya pwede kang magtagal dito."

Tukso niya na agad naman itong nagbaling nang tingin.

" It's unfair bakit meron kayong bodyguard ni Scar?"

Sabi ni Czesta na hindi magkanda ugaga sa pag pahid ng creams.

" As if naman papayag ang mga olds na wala tayong kasamang mga bodyguards dito."

Sabi ni Scarlet, na parang pagod na pagod na humiga sa papag na kawayan.

" Marinig ka ni Tito Pascal,"

Natatawang sabi ni Iris. Ito ang walang problema kahit saan ilagay.

" Yeah, he's not yet old. We can still catch them making out!"

Parang nandidiri nitong sabi. Sabay na tumawa si Lavin at Czesta.

"Hulaan namin.Sa kusina?"

" Yeah, nawawala tuloy lagi gutom ko."

Naiiling na lang ang dalawa.

" Ganun talaga siguro pag nagmamahalan. Ang kulay nang buhay nila."

Sabi niya at nangiti dahil sa pag alala sa magulang na lagi din magkayakap pag siesta nang mga ito.

" Heh! What color? Green?"

Sabi ni Csezah na natatawa sa usapan, marahil nakita din nito ang mga magulang sa uncompromising na situation.

" At may nadagdag pa sina Aidan at Dia. Sana hindi ko sila maabutan sa kitchen. Mahilig pa naman magluto si Dia."

Naiiling niyang sabi.

" Humanap ka na din kasi nang sa iyo, Ava."

Sabi ni Iris dito, at me, inilabas na tactical bowie survival hunting knife.

" Tsked. Scar, anong first activity natin?"

Pag iiba niya nang usapan. Magulo ang isip niya sa kagustuhan ni José Luis na magka anak na sila. Hindi nito alam she's taking contraceptive pills. Natatakot siya sa magiging lagay nang anak nila kung sakali. Anong pamilya ang ibibigay niya.

Alam niya ang ulterior motive ni José Luis kung bakit siya pinakasalan. At hindi pa siya nito napapagbayad dahil hindi siya nito magagalaw sa Pilipinas.

" Bukas pa, si Tita Nash ang magbigay nang dapat natin gawin."

" Then let's do island hopping. Habang malaki ang tubig."

Pagyaya ni Lavin na sinang ayunan naman nang lahat. Hindi nagtagal at nakasakay na sila sa bangkang de motor na katamtaman ang laki kaya naghati sila. Dalawang bangka ang ginamit nila.

Panay ang kuha ni Csezah nang larawan sa DSLR nitong camera.

" May official photographer ang mission natin.Make a documentary Ezah."

Biro ni Lavin dito habang nakatutok dito ang camera.

" Bagay kayo ni Nikko."

Sabi ni Csezah na sinisilip ang kinunan niyang mga larawan.

" Sisa!"

Sigaw nito sa dalaga na tumawa lang. Hanggang madaan sila sa isang fish pen na nasa gitna nang dagat.

" What's that?"

Tanong niya, pero nauna na huminto ang bangka na sinasakyan nina Iris at Scar. At umakyat ang mga ito sa fish pen. Gawa lahat sa kawayan ang hagdan at tulay na naka konekta sa bahay kubo na gawa sa cogon grass ang bubong.

" Mang Romy, sisilip lang ang mga bata sa fish pen."

Sabi nang kanilang bangkero. Kaya lahat sila umakyat sa fish pen.

" Kailan ang harvest? Mukhang malalaki na ang alaga ninyo."

Puna nang bangkero sa nagkakagulo na mga bangus na pinapakain nang bantay nang feeds.

" Pwede na iyang anihin anumang oras, signal na lang ni bossing ang hinihintay."

"Puwede po bang subukan manghuli? Babayaran namin."

Sabi ni Iris habang nakatingin sa mga isda.

" Sige na, kuha na kayo nang pang ulam ninyo."

At inabot sa kanila ang pansalok. Isang net na may mahabang kawayan na hawakan.

" Try it Iris and I want to try also."

Excited na sabi ni Csezah na naka umang na ang camera nito.

Boss Series 7 : The Playful Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon