Chapter 14

4.7K 140 1
                                    

"I will come and visit you, goodbye Ava."

Iyon ang huling sinabi ni José Luis nang ihatid siya airport.

Napabuntung hininga na lang siya at muling naupo sa kanyang swivel chair. Hinarap ang mga papeles na kailangan niyang pirmahan.
Mga dokumento na kailangan niyang pag aralan.

Ilang linggo na ang nakakaraan mula ng bumalik siya sa Pilipinas. Tumatawag pa minsan minsan si José Luis para sabihin na abala ito sa bago nitong investment.

Nang matapos sa ginagawa, tinawagan niya si Lavin.

" Let's throw a party for Dia."

Agad niyang sabi nang sagutin nito ang tawag.

" Yes, dapat lang. At siya pa pala unang mag aasawa."

" Dinaan sa paspasan ni Aidan."

Sabi niya at pareho silang natawa.

"Hello, Lavin."

Bati niya kay Lavin na nauna nang nakarating sa party organizer na kanilang napag usapan.

" Hey, Ava."

Bati nito sa kanya, sinulyapan niya ang bodyguard nito.

"New bodyguard?"

Tumango ito at sumulyap din sa lalaki na nakatayo sa likod ni Lavin.

" What happened to good boy Travis?"

Agad siyang hinawakan ni Lavin sa braso at pumasok na sila sa building kung saan andun ang opisina nang party organizer na kanilang sadya.

" Siya yong lalaki sa bar di ba?"

Untag niya kay Lavin na natahimik.

" Oo, dahil sa dare mo, Ava. Hindi ko akalain ma epektuhan ang buhay ko. Kung alam mo lang."

Pabulong nitong sagot at bumuntung hininga.

" Yeah, I know the feeling Lavin."

Nagpawala din siya ng buntung hininga.

" I will wait for you here, Lavin."

Sabi nang bodyguard nito na mas tamang parang boyfriend ni Lavin dahil sa kakisigan.

Tinanguan lang ito ni Lavin at pumasok na sila sa opisina. Naiwan ang lalaki sa waiting area sa labas ng silid.

" What's his name?"

Tanong niya pagka pasok nila sa loob.

" Nicholo Aragon."

Buong pangalan nitong sagot.Tumango tango siya.

" Not the Aragon with supermarkets?"

" He is, Ava. And I don't understand why he worked as my bodyguard."

" Kasi gina gwardiyahan ka?"

Patanong niyang sagot in a very amusing way.

" He- he! Nakakatawa Ava."

Tumirik pa ang mata nito.Kukulitin pa sana niya si Lavin pero hinarap na sila ng organizer.

" This is great, Ava. Dia will have the scream of her life."

Natatawa niyang I dinetalye ang mga gusto nila sa bridal shower nito.

" Aidan will kill us!"

Sabi ni Lavin pero, nakatawa din ito.

Paglabas nila ng opisina, agad na tumayo ang bodyguard ni Lavin at sumunod sa kanila.

Habang nasa elevator na sila lang tatlo. Nagsalita si Lavin.

Boss Series 7 : The Playful Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon