Chapter 7

7 2 0
                                    

Pagkatanong ko ng ganun hinarap ako ni Fifth at sinagot ang tanong ko...

" oo Love ako nga "

Sa pagsabi sakin ng ganun ni Fifth biglang may tumulong dugo sa ilong pinunasan ko to agad pero nagpatuloy lang ito sa pagtulo, agad agad namang nanguha ng panyo si Fifth para maipunas ko sa ilong pero hindi pa rin humihinto sa pagpatak ng dugo ang ilong ko...

" dad???? anong gagawin natin??? "

" hindi ko alam Fifth saglit lang hahanapin ko lang sa libro ng lolo mo kung bakit siya ganyan "

Niyakap ako ni Fifth ng mahigpit at may sinabi....

" sorry Love hindi ko alam ang gagawin ano bang nararamdaman mo??? anong masakit sayo??? "

At sumagot naman ako sa kanya na tila ba naghihingalo.....

" Fifth??? naghihina ako hindi ko alam kung bakit please tulungan mo ako hindi ko na kaya "

Pagsabi ko ng ganun kay Fifth mas lalo pa siyang nag alala, ramdam ko sa mga mata niya ang pag aalala niya saakin. Habang nagbabasa ang daddy ni Fifth na si Don Miguel bigla itong huminto sa pagbabasa at pumunta sa pwesto namin at may sinabi....

" isa lang ang lunas para diyan Fifth "

" ano dad??? bilis! "

" kinukulam siya ng immortal ang lunas para diyan ay ikaw mismo "

" what?? paano dad??? please do something! wala akong al hindi ko alam! "

" anak nakasulat dito na tanging ikaw lang mismo ang magpapatigil diyan kapag sa oras na dumaloy ang purong dugo sa lupa at umagos palapit sa immortal at matikman niya ito mas lalong hindi niya tatantanan si Love "

Umiiyak na si Fifth dahil hindi niya alam ang gagawin kaya kahit nanghihina na ako bigla kong hinawakan ang mukha niya at sinabing....

" Fifth? hindi ko na kaya patayin mo nalang ako "

" what?! no no! Love hindi ko makakagawa yun ayoko! kaya mo yan huwag kang papatalo sa kanya "

" Fifth ayoko na please hindi ko na kaya "

" hindi! kayanin mo! hindi ako papayag hindi! hindi ako papayag mawalan pa ng taong mahalaga sakin Love hindi ako papayag na saktan ka lang ng sino man! "

Sa oras na yun bigla niya akong hinalikan sa labi na tumagal ng isang minuto nagulat ako sa ginawa niya at biglang gumaan ang loob ko at pagkahalik niya ay para akong nabunutan ng tinik sa dibdib at nakahingan ako ng maluwag...

" Love??? okay kana ba?? anong masakit sayo??? "

Tanong nito sakin at sumagot naman ako...

" wala na, wala ng masakit teka?? nasaan ang mga dugo ko? "

Napatingin kami pati na si Don Miguel sa mga panyong ginamit ko dahil nawala ang mga dugong naipunas ko duon at biglang nagsalita si Don Miguel....

" dahil sa malaki na ang ugnayan niyo sa isa't isa kapag pinagsama ang ugnayan ng guardian at ng dalagang may purong dugo pero kapag isa sainyo ang nasaktan damay isa "

" panong damay ang isa dad??? as in pati buhay namin ganun?? "

" oo Fifth masugatan siya masusugatan ka rin pero kung may nangyaring masama kay Love at malayo ka sa kanya Fifth delekado ang buhay niya "

Kinuha ni Fifth ang libro ng lolo niya at may hinahanap sa mga pages nito at ng nakita na niya ay pinakita niya samin at nagsalita...

" tama nga ang sinabi mo dad pero teka bakit alam mo ang lahat ng ito? "

" dahil sinabi sakin yan dati ng lolo mo fifth noong binata pa ako, naikwento niya lahat pero hindi niya pinamana sakin ang libro na yan dahil wala akong kakayahan ng katulad ng saiyo anak kaya kung ano man ang meron sayo ngayon Fifth? pag ingatat at alagan mo ng mabuti "

Rainy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon