Chapter 11

3 2 0
                                    

Paulit ulit na tinawag ni Fifth si Love pero hindi na ito magising kaya tumakbo ito ng mabilis para makapunta agad sa kotse niya para madala agad sa hospital si Love...

Samantala hindi alam nila Fifth na may nakakita sa labanan na naganap nila ni Lucas sa library. Nakita lahat ni Margo ang kaganapan kaya nanginginig itong maglakad palayo sa library pero hindi pa siya nakakalayo ay may bigla may humarang sa kanya at bigla nalang siyang naglaho ng parang bula...

" Love???? Love???! gumising ka! "

Sigaw ni Fifth habang papasok sila sa emergency room ng hospital.
Dumaan na ang ilang oras ay lumabas na ang doctor mula sa emergency room at kinausap si Fifth.

" Mr. Solomon she is okay now but we always monitor him every hour for the wound he got on his neck because it is dangerous to stab him because he has a scratched vein "

" thank you for everything doc "

" your welcome, excuse i have to go "

Nakahinga ng maluwag si Fifth sa binalita ng doctor sa kanya at maya maya ay pumunta na siya sa room ni Love, nakita niya itong wala pang malay kaya umupo ito sa gilid nito at pinagmasdan......

" alam kong kulang pa ang salitang sorry sa nangyari sayo Love sana mapatawad mo ako sa nangyari sayo sana ako nalang ang nasaktan hindi ikaw Love, sorry kung nahuli ako "

Sa pagsasalita ni Fifth gumising na si Love na tila nagtataka kubg nasaan siya...

" Fifth? nasaan ako? nasaan ako?? nasaan ako?! "

" relax lang Love relax nasa hospital lang tayo huwag kanang mag alala "

" takot na takot ako Fifth! umalis na tayo dito please! Fifth ayoko dito "

Hindi mapakali si Love kaya tumawag ng doctor si Fifth para maturukan ng pampakalma si Love...

" Doc! Doc! Doc! Love???? kumalma ka lang Love doc! bilis "

Hanggang sa naturukan na ito at nakatulog ulit habang naghihintay si Fifth na magising si Love may napansin siyang umilaw sa labas ng pinto ng kwarto nito napatayo siya sa kinauupuan niya at dahan dahang naglakad palapit sa pintuan pero ang liwanag na nakita niya ay biglang nawala at nagbukas ang pintona kinagulat niya....

" Margo??? akala ko kung sino "

" nasaan si Love? Okay lang ba siya? anong nangyari sa kanya? "

" sinong nagsabi sayo na nasa hospital siya??? "

" Fifth eh di yung guard sa campus ano ba "

Umupo na si Margo sa tabi ni Love at napansin ang naka tapal sa leeg ni Love...

" ano bang nangyari sa kanya wait bakit parang basang sisiw kayo?? "

" I'm sorry Margo mahirap mag explain ngayon... "

Natigil sa pagsasalita si Fifth ng may napansin sa kanya si Margo...

" sandali lang Fifth ano yang sugat mo sa leeg??? teka lang parang kanina pa yang sugat mo ah? "

" ay oo nga sandali lang dito ka muna ah magpapagamot lang ako sa labas ikaw muna magbantay sa kanya "

" ah sige "

Umalis na si Fifth at tanging silang dalawa nalang ang nandun. Maya maya pa ay nagising na rin si Love...

" Love??? buti gising kana "

Lumingon sa kanya si Love at tinanong siya...

" sino ka?? "

" ha? sino paba? ako lang to si Margo? ano bang tanong yan ay sabagay baka epekto ng gamot sayo yan, teka nga may dear friend ano bang nangyari sainyo ni Fifth??? "

" nangyari??? aray! ano tong nasa leeg ko? bakit ang sakit? "

Sakto naman at biglang dumating na si Fifth at biglang lumapit kay Love ng nakita niya tong gising...

" Love??? kamusta ka? okay kana ba? anong masakit sayo?? "

" Fifth? anong nangyari sa leeg mo? parang katulad sakin?? "

Laking pagtataka ni Love na parehas silang may sugat sa leeg ni Fiftb kaya nilapitan siya ni Fifth at hinawakan ang kamay niya at nagsalita....

" anong nangyayari sayo Love? hindi mo ba naalala ang nangyari satin kanina sa library?? "

" library?? anong ginagawa dun? "

" Love??? sa library may isang lalaking gustong gusto na tikman ang dugo mo kaya may sugat ka sa leeg at konektado ang buhay mo sa buhay ko hindi mo ba naalala?? "

Biglang natulala si Love at inalala ang lahat ng nangyari sa kanila at bigla siyang nanginig sa takot at nabanggit ang pangalan ni ....

" si Lucas, nasaan siya Fifth?? nasundan niya ba tayo?? "

" sssh! huwag kanang mag alala hindi niya tayo nasundan "

Umiyak ito at niyakap agad ni Fifth...

Kinahapunan ay nakalabas na sa hospital si Love at hinatid na siya ni Fifth sa bahay nila. Nasa harap na sila ng gate ng bahay nila Love lumabas din sa kotse niya si Fifth at kinausap si Love....

" Love??? I'm so sorry kung nangyari sayo to I'm so sorry "


" wala kang kasalanan Fifth, ikaw ba? okay ka lang ba??? sorry kung nadamay kapa sa gulong dumating sa buhay ko "


" Love? huwag kang mag alala kahit ano gagawin ko maligtas ka lang "

" salamat Fifth so? friends? "

Sabay abot ng kamay ni Love kay Fifth at hinawakan naman ito agad ni Fifth at nagsalita...

" friends, sige pasok kana sa loob ng bahay niyo uuwi na rin ako "

" ingat ka Fifth, see you tommorow "

Rainy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon