Chapter 21

1 1 0
                                    

Nagtaka si Ms. Marie sa sinabi niya at bigla itong nagtanong...



" pano mo siya nakilala Margo? "



" paumanhin Marie pero hindi ako si Margo "



Bigla itong nagpalit ng katauhan at nagulat si Marie sa nakita niya.....



" isa kang diyosa??? ikaw si Athena pero bakit ka nandito sa lupa? "




" upang tulungan sila Marie yun ang hiling ni Margo bago siya mawala "




" maraming salamat sandali may kukunin pa ko na ipapakita ko sainyo hintayin niyo nalang ako dito "



Maya maya pa ay bumalik na si Marie at binigay ang isang photo album....



" Love nandito ang mga picture ng mommy mo at meron ka ding picture dyan noong baby kapa "

Habang tinitignan ito ni Love tila may napansin ito sa mga picture na kinagulat niya kaya bigla niyang nabagsak ang photo album.....




" Love??? bakit???? "



Tanong ni Fifth pero hindi agad nakasagot si Love at nilapitan niya ito at muling tinanong.....



" Love?? Love??? anong nakita mo? "



" siya yung kasama ni Lucas ang mama ko? siya ang mama ko "



" ha? anong sinasabi mo? "




" Fifth? si Lily Jacinto pinakilala satin ni Lucas siya ang Mama ko "



Umiyak na si Love at nagulat naman si Marie sa narinig niya....




" nasa kanya ang anak ko? hindi hindi pwede bakit? siya ang kumuha sa anak ko? "



Biglang napaupo si Marie sa sahig nanlambot ito sa nalaman niya at biglang namang umilaw ang mga mata ni Athena at biglang din itong nawala at nagsalita agad. 



" alam ko na kung bakit Love "



" ano yun Athena??? "



" si Lovely ang reincarnation ni Lily kaya kinuha niya ito pero ang totoong Lily ay namatay rin noong araw na namatay si Lucas "



" talaga? pero bakit din siya namatay ng araw na yun? "





" dahil nakita Love ang lahat, kung paano pahirapan ng pamilya niya si Lucas sa kagubatan kaya kinuha niya ang kutsilyong hawak ng ama niya at sinaksak niya ito sa puso niya tanda ng pagmamahal niya kay Lucas kaya sumumpa si Lucas at dumaloy ang purong dugo at nagsilitawan ang mga guardian hanggang hindi napuputol ang sumpa ni Lucas ay walang katapusan ito "




Biglang umilaw ulit ang mga mata ni Athena at nagulat sa mga nakita niya.....


" kaylangan na nating umalis dito papunta si Lucas dito "




Nagmadali silang umalis pero paglabas nila nandun na si Lucas kasama si Lovely at tila mga nakatingin ng masama sa kanila at biglang nagsalita si Lucas.....




" at saan naman kayo pupunta??? "



Biglang naglakad si Love papunta kay Lucas at sinabing......



" kunin mo ko at huwag mo silang idamay Lucas please "




Nagulat silang lahat sa sinabi ni Love lalo na si Fifth na agad niya itong hinatak papunta sa kanya....




" hindi! hindi Love hindi ako papayag na sasama ka sa kanya "





" I'm sorry Fifth pero kaylangan ko tong gawin "




Habang nagsasalita si Love hinawakan niya ang kamay ni Fifth.




" alam mo ba Fifth kahit masama yung unang pagkikita nating dalawa masaya ako kasi hindi ko alam na ikaw pala ang mamahalin ko "




" ano ba Love huwag kang sasama sa kanya ayokong mawala ka sakin please makinig ka sakin mahal na mahal kita "



Sabay yakap ng mahigpit ni Fifth sa kanya at niyakap rin siya ni Love at bigla namang nagsalita si Lucas sa kanila......






" kung una palang kusa kanang sumama sakin sana walang nasaktan kaya tara Love sumama kana sakin "




Bumitaw sa pagkakayakap si Love kay Fifth at kusang sumama kay Lucas... at pumasok sa isang portal......




" hindi!!!!!!!! Love!!!!!! hindi!!!!!! "




Sigaw ni Fifth habang umiiyak bigla namang may bumukas na portal na kinagulat nila, nagulat sila ng si Hades ang lumabas dito at biglang nag iba ang katauhan ni Athena...


" Hades???? Hades! kapatid ko! "




Tumakbo ito at niyakap ng mahigpit si Hades na kinagulat nito.....



" teka lang kaba galit sakin Athena? "



" hindi kapatid ko anong ginagawa mo dito??? "




" ikaw dapat ang tanungin ko niyan Athena anong ginawa mo dito sa lupa??? "




" nalaman na ng ating kapatid na si Zues ang ginawa kong pagtulong sa isang taga lupang namatay na kay ito ang aking parusa hanggang hindi ko natutupad ang hiling ng taga lupa hindi ako tatanggapin ni Zues "




" ng dahil kay Lucas kaya nandito tayong lahat sa sitwasyon na ito paumanhin sayo aking kapatid alam kong masama ako pero may natitirang kabutihan pa rin sa aking puso "





Sa pag uusap nila may biglang may hinatak si Hades sa may portal na isang babae at nagulat sila Fifth kung sino siya....




" siya si Lily sana pala matagal ko na silang pinagsama para hindi na nangyari ito "



Lumapit si Fifth at biglang nagsalita sa kanila......





" ikaw lang ang pwedeng bumawi ng buhay na binigay mo kay Lucas at ikaw lang ang may karapatan na ayusin ang lahat ng ito Hades ayokong mawala sakin si Love sakin "





" gagawin ko ang makakaya ko para pigilan si Lucas sumama kayo sakin at pupunta tayo sa lungga niya "

Rainy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon