Zaina's pov.
"sab nakita moba si stiven?" tanong ko sa pinsan ko aissh kanina kopa kasi hinahanap yung kumag nayon.
" lumabas eh baka nag lakad lakad lang" sagot ni sab sa akin.
Kaya naman dali dali akong lumabas ng unit at pumunta sa dalampasigan..
Nang matanaw ko si stiven na nag lalakad. Patakbong tutungo na sana ako sa kanya.
Pero...
Natigilan ako ng may isang babae na lumapit sa kaniya at bigla itong halikan..
diko alam pero parang kinurot yung puso ko sa sakit ng aking naramdaman sa mga oras mayun.
Diko namalayan ang sunod sunod na pag patak ng luha sa mga mata ko. Napa tungo ako sa sakit ng nakita ko.
Nang mag balak akong tignan sila ulit ay nag salubong ang mga mata namin ni stiven na halatang ikinagutan niya...
Pinunasan ko ang luha ko at patakbong nag tungo sa unit namin para mag impake diko na ramdam ang sakit ng pag ka tapilok ko kanina , dahil mas na ngingibabaw ngayun yung sakit na nararamdaman ko sa dibdib.
Nang maka pasok ako sa unit nag tungo ako sa cr.
Binuksan ko ang gripo sa lababo at nag umpisang umiyak ng umiyak!
King ina ansakit hahahahaha. Ang sakit sakit!!! Nag tiwala ako binigay ko lahat.
Lalo akong naiyak ng mamukaan ko ang babae na kahalikan ni stiven kanina. Ayun yung babae na nakipag kita sa kaniya sa coffee shop. Ayun yung babae na nahuli kong kausap ni stiven sa phone.
King ina tinago ko lahat kasi akala ko wala lang king ina.
Ansakit sa dibdib sobra yung sakit.
Habang tumutulo yung tubig sa lababo ay sabay ng pag hagulgol ko. Diko ma tangap na kung kelan minahal kona siya ng totoo na walang halong pag aalinlangan staka pa nag ka ganito...
"zaina!! Zaina!! Ok kalang ba?" natigilan ako nang marinig ko ang boses ng pinsan ko habang kinakatok ako sa cr.
Tumayo ako at inayos ang sarili ko.
" mm ok lang palabas nako" naligo nadin ako. No choice basa na'ko.
Nang maka labas ako ay naka abang sa akin si Sabrina sa room. Haysss hahahhahaha.
"anong nang yare?" tanong niya sa akin pfft alam kong alam nyana hahha.
" pfft really sab mag tatanong kapa? Really? Hahahha. Sabay ngiti ko ng mapait sa kanya." gusto konang umuwi sab. Uwi na tayo " diko nanaman mapigilan yung pamumuo ng luha ko.
Kala unan ay nakumbinsi ko si sab na umuwi kami, kina usap nyalang si Laurence sa cp. sususnod nalang daw sila sa Manila.
Si Laurence ang nag hatid samin sa airport diko na kita si stiven mag hapon, at ayoko din siyang makita.
Habang nasa himpapawid kami ay lutang ang isip ko sinisisi koparin yung sarili ko kung bakit nang yayari sa akin to! Hahhaa kung kelan nag titiwala na'ko at nag seryoso stakapa ganito..
Naka uwi kami ni sab sa bahay ng walang usap usap.
Nag tungo agad ako sa kwarto ko ng maka uwi kami. at doon umiyak ng umiyak.
Wala akong gana makipag usap kahit kanino. Ang sakit sa dibdib, sobra!! yung tipong! taong mahal na mahal mo nakipag halikan sa harap mo.
Walang pag lagyan yung sakit na nararamdaman ko.
To be continued ...