Anong gagawin mo kung isang araw magising ka nalang mula sa malalim na pagkakatulog.
At ang inaakala mong buhay na dumating na ang dulo ay bigla nalang nagbago!Matatanggap mo ba ang katutuhanan sa likod ng mahabang panahon na paghihirap sa sakit na gumagapos sa iyo?
Siya si Azeron Cruiez! Mula sa isang mayamang angkan. Nasa kanya na ang lahat ng karangyaan! Sinisilbihan at inaalagaan. Ngunit ang hindi niya makamtan-kamtan ay ang kasiyahan. Lahat ng kilos niya ay limitado, hindi siya pweding matulog ng wala ang makinang nagpapanatili ng pagtibok ng kaniyang puso!
Azeron have a unique illness called Congenital Central Hypoventilation Syndrom (CCHS).
Ang mga taong may karamdaman na ito ay humihinga ng mababaw (hypoventilate), lalo na sa pagtulog, na nagreresulta sa kakulangan ng oxygen at isang pagbuo ng carbon dioxide sa dugo.
Karamdamang hindi niya na yata matatakasan!
Nakakulong siya sa selda ng kaniyang sakit! At ang mga pader ng mansion tinitirahan niya ay tila tanikalang gumagapos sa kanya.
Ngunit magbabago ang lahat ng mula sa kamatayan ay muli siyang magising upang mabuhay muli! At nang malaman niya ang katutuhan sa tunay niyang pagkatao. Ang nais niya lang maranasan ay ang buhay sa labas ng mansiong tila rehas para sa kanya ngunit may mga pagbabagong magpapagulo sa buhay niya.
Ang makilala si Seven o Athena Dela Cruz....
Ang babaing galing sa mundo ng Mitica......
Paano kung isang araw parusahan ka ng iyong mga ama sa nagawa mong kapalpakan!
Parusang hindi mo kayang takasan. Isang kahibangan ang pumayag sa isang parusang hindi mo alam kung ito ba'y iyong malalagpasan.
Parusang lalayo sa iyo sa mundong iyong pinagmulan!
Isang krimin na ba ang hindi makapasa sa paynal na pagsusulit upang maging ganap na Prinsesa para patawan siya isang mabigat na parusa?
Parusa nga ba o isang misyong magbubukas sa nakatagong nakaraan?
Misyon ni Prisesa Seven na hanapin ang isang mortal na nilalang at dalhin ito sa kanilang mundo upang makapasa sa huling hamon upang maging ganap na prinsesa. Ngunit umeksena ang kanyang mga kapatid, gumawa ito ng mga kalukuhan upang makasama sa misyong para lamang sa kanya!
Magagawa kaya nilang hanapin ang dapat hanapin? Anong buhay ang naghihintay sa kanila sa mundo ng mga mortal!
Nanaisin pa kaya nilang bumalik?
Kung naisin pa nila makakabalik pa kaya sila?
Saan nakaguhit ang kanilang tadhana?
At sa kanilang pagbabalik makakaya kaya nilang tanggapin ang katutuhanan sa likod ng kasinungalingang buong buhay nilang pinaniwalaan?
O!
Magiging sanhi ito ng isang digmaan sa pagitan ng mga anak at magulang?
Isang digmaang unti-unting magbubukas sa pinto ng kalayaan at katutuhanan?
******
INIHAHANDOG KO SA INYO ANG ISANG KATHANG GUGULO AT YAYANIG SA INYONG PAGBABASA....
Heirs of Mitica by Bebe_kyu
Samahan niyo akong maglakbay patungo sa mundo ng Mitica at alamin ang buhay ng mga tagapagmana!
