Nagsimula ang lahat nang makakita si Timothy ng isang kakaibang bagay na hugis bola na nagliliyab habang umuulan. Nagkaroon siya ng kapangyarihan na makita ang nakaraan o ang hinaharap ng isang tao at nagkakatotoo ang kaniyang mga sinasabi. Kalakip ng kaniyang kapangyarihan ang kamatayan na hahabol sa kaniya habang gamit ang kapangyarihan at ang naka-abang na pagdurusa. Unti-unti itong naisasakatuparan nang magpahiwatig ito sa kaniyang panaginip kung paano siya mamamatay. Gagawa ba siya ng paraan para matakasan ito o sundin na lang ang kaniyang kapalaran?