Ang paghahanap ni HONEY sa hindi pa nasisilayang ina ang nagtulak sa kanya upang magtungo sa Manila. Isa siyang probinsiyana at ngayon pa lamang tatapak sa lugar na iyon. Sa pagtuntong niya sa Manila, disgrasya ang nahanap niya. Nawala ang kanyang mga gamit at pera. At kasabay nang paghahanap niya ang pagku-krus nila nang lalaking aakalain niyang mabait. Sa huli'y ipapahamak pa siya. May happy ending pa kayang naghihintay sa kanya gayong malalagay sa peligro ang buhay niya?