Masayahin, maaasahan kahit na may pagka-makulit. Yan si Holy. Dalawang taon nang wala ang mga magulang nya at dalawang taon na din syang pagala-gala sa iba't-ibang kalye sa Manila. Iba't-ibang sideline na din ang pinasok nya para mabuhay. Pero dahil sa pagtulong nya kay Mrs. Amanda Delco, isang mayamang businesswoman, ay aampunin sya nito. Makikilala nya din ang anak nitong si Chance na madalas ay masungit at mula doon ay magbabago ang mga pangyayari sa buhay nya.