Ang masakit na trahedya sa nakaraan ang nagpabago sa buhay ni Faith Arconado. Kaya't pinatigas at pinatatag siya ng mapaghamong kapalaran. Sa kabila ng kanyang katangian, pag-ibig pa rin ang tutunaw sa mataas na bakod na binuo ni Faith sa palibot ng kanyang puso. Ngunit paano makakalimutan ang pag-ibig na nawala kung pati ang puso niya'y naiwan sa nakaraan?