Alam ni Eloisa na hindi matutuhugunan ang kanyang lihim na pagmamahal sa kanyang kaibigan. Kaya naman nang magkaroon siya ng pagkakataon ay ginamit niya iyon upang makasama ito kahit isang gabi lamang. Paglipas ng siyam na taon ay muling babalik sa kanya ang akala niya ay nakalimutan na niyang pagmamahal sa kaibigan nang magpadala ang mga ito ng wedding invitation sa kanya. Sa kadahilanang gusto na niyang matapos ang lahat pati ang kanyang nararamdaman ay umuwi siya, kahit pa dala niya ang bunga ng pagkakamali niya siyam na taon na ang nakararaan.