Sa loob ng limang buwan pagkatapos ng acquaintance at kaarawan ko, para akong nakalutang sa ulap palagi lalo na kapag nang-aasar siya.
"Aily, let's go. Primo's waiting for us." Sabi niya habang nakatayo sa harap ko dito sa loob ng library.
"Sunduin mo na muna tapos puntahan niyo ako dito. Malapit na akonh matapos, eh." Sabi ko habang sa libro pa din nakatingin.
Isinara niya 'yung librong binabasa ko kaya tiningnan ko siya ng masama pero ang bwiset, tumatawa-tawa pa.
Tumayo siya sa gilid ko para ayusin ang gamit ko. "I have answered all your paperworks. So, you don't need to worry about that one, Province Girl. You don't need." Tsaka niya ako hinatak patayo kaya ayon, hindi ko namalayang nakatayo na kami sa labas ng silid-aralan ni Primo.
Lumabas kaagad siya nu'ng makita niya kami kaya dumiretso kami sa Sanchez Grounds na nagcommute lang.
Iniharang niya 'yung braso niya sa tapat ko habang 'yung kamay niya nakahawak du'n sa may gilid ng jeep na sinasakyan namin.
"Bakit mo hinarang?" Tanong ko sa kanya.
"Dapat kasi hindi ka nagsusuot ng ganyan kaikling palda." Masungit na sabi niya kaya inirapan ko na den.
Inayos ko 'yung bag ko na nakapatong sa palda ko bago siya tingnan. "Ayos na ba?"
Umiling siya. "No."
Inirapan ko siya at isinandal ko 'yung ulo ko sa may parang dingding nu'ng hinahawakan niya na hindi ko alam kung anong tawag.
"Why don't put your head on my shoulder rather than your body specially your head will vibrate all the way along there?" Hindi ko alam kung sarkastiko ba 'yon o utos talaga niya, eh.
"Ate Aily, Kuya Recca was right. Please? I'm also worried about you." Tsaka nagpout si Primo kaya wala na akonh nagawa kundi sundin ang gusto nila.
Naramdaman ko namang hinalikan niya ako sa tuktok ng ulo ko kaya nag-angat ako ng tingin at tsaka siya kinurot sa tagiliran niya. "Manahimik ka na, noh."
Humalakhak siya ng kaunti. "Wala naman akong ginagawang masama."
"Isa."
"Ano?"
"Walang nakakatawa kaya 'wag kang tumawa."
"E 'di 'wag." Tsaka niya kinagat ang pang-ibabang labi niya pero halatang nagpipigil lang talaga siya ng tawa kaya mas lalo akong naiinis pero sa parehong pagkakataon, parang may mga insektong nagpapa-piyesta sa tiyan ko.
"Aily, are you done there?" Bumalik ako sa realidad nu'ng kumatok siya sa pintuan ng banyo kaya nagbanlaw ako kaagad. Walanghiya! Sa banyo pa talaga ako nawala sa sarili ko, ah?
Lumabas akong nakatapis ng tuwalya ang buong katawan kaya nakita ko siyang nag-iwas ng tingin sa akin.
Nakita ko pa siyang lumunok bago tumalikod at nagsalita. "We'll just wait for you downstairs."
Tumango ako kahit hindi niya kita.
Naglakad na siya palabas ng kuwarto ko. Narining ko pang ini-lock niya 'yon kaya napangiti ako. Protective much, Oppa?
Nagmadali akong magbihis para hindi kami mahuli sa biyahe ng bus dahil 'yun ang request nina Scarlet at Primo na hindi matanggihan ni Recca dahil minsan lang naman sila makasakay no'n.
Pagkarating namin sa istasyon ng bus, tumabi ako kaagad sa may bintana tapos tumabi si Recca sa akin na buhat-buhat si Primo.
"You don't need to open the window later, don't you?" Tanong niya habang nakataas ang isang kilay kaya tinanguan ko siya. "Good."
BINABASA MO ANG
Maid For You
Teen FictionAily, a simple girl all the way from the province who came in the city to work for her family and for herself, as well. In her stay there, she wouldn't know that it will change the plot twist of her life with the one she'll lastly think to be with. ...