"Ano ba, Aily?! Bilisan mo nga maglakad!" Bungad niya sa akin pagkababa ko sa hagdan.
"Ikaw kaya sa sitwasyon ko! Ang sakit na ng puson ko tapos sisigawan mo pa ako!" Daing ko habang nakahawak sa may puson ko at dahan-dahang na naglalakad.
Bigla namang may naglahad ng isang pain reliever sa harap ko kaya napatingin ako kay Sir RD.
"Take that. It may ease the pain in your hypogastrium."
Kaagad ko naman 'yong kinuha at kinuha 'yung thumbler ko sa gilid ng bag ko at ininom din 'yung binigay niyang gamot.
Nilapitan ako ni Primo at tsaka hinawakan ang kaliwang kamay ko at inalalayan pa ako hanggang sa makasakay kami sa sasakyan nila.
"Ate Aily, may dala kang sanitary napkin?" Tanong bigla ni Ma'am Scarlet na tinanguan ko naman. "Okay. But just in case you forgot, don't hesitate to ask me."
"Sige po-"
"And avoid using 'po' and 'Ma'am' when you're talking to me. Just call me Scar. Mas bet ko pa 'yon." Tsaka siya tumawa bago naglagay ng earphones sa tainga niya.
Isinandal ko 'yung ulo ko sa bintana at tsaka ko ipinikit 'yung mga mata ko dahil hanggang ngayon ang sakit pa din ng puson ko.
"Aily?" Nagmulat ako kaagad ng mata at tiningnan si Sir Recca na katabi ko at siyang tumawag sa akin.
"Napano ka na naman? Huwag mong sabihin sa akin na bilisan kong maglakad dahil nasa loob na tayo ng sasakyan." Naiinis kong sabi na tinawanan lang niya.
Napa-irap ako ng wala sa oras at tsaka binalik ang ulo ko sa pagsandal sa bintana.
Nagising nalang akong nasa balikat ni Recca ang ulo ko at kami nalang dalawa sa loob ng van.
Napatingin ako sa kanya at nakitang bigla siyang napamulat.
Ano ba naman klaseng President 'to? Sa lahat ata ng President, siya 'yung palaging late, eh.
Kinusot niya ang mga mata niya bago ako tiningnan.
"You're awake." Tsaka niya binuksan 'yung pintuan ng van bago lumabas.
Sumunod ako sa kanya at naiinis ako dahil ang lakas ng agos.
"Masama pa rin ba 'yung pakiramdam mo?" Tanong niya na tinanguan ko naman.
"Bakit hindi ka muna mag-"
"Wala kang paki tungkol doon. Papasok ako hanggat kaya ko. Ayaw ko mag-absent."
Nagkibit-balikat siya. "Okay. Huwag ka namang magalit."
"Hindi naman ako galit. Masama lang talaga pakiramdam ko."
"Okay." Tsaka niya isinara ang pintuan ng van bago kinuha ang bag ko sa akin.
"Hoy!" Tsaka ko na sana babawiin pero inilapit niya bigla 'yung mukha niya sa akin kaya napaiwas na ako.
"Good." Tsaka na siya lumayo sa akin at dumiretso sa classroom ko habang hila-hila ako na parang bata.
Pumasok ako sa classroom ng hindi man lang siya tinatapunan ng tingin.
Umupo ako sa tabi ni Jharen na nakapalapad ng ngiti ngayon.
"Bad mood ka ata, Lay?" Tanong niya na inilingan ko naman. "Sigurado ka? Nag-away ata kayo ni-"
"Nah. We didn't have any arguments." Si Recca na naka-tayo na sa likuran ni Jharen.
Ambwiset?! Kailan ba siya titigil sa pagpasok sa classroom namin kahit na malapit na mag-start ang class namin?!
BINABASA MO ANG
Maid For You
Teen FictionAily, a simple girl all the way from the province who came in the city to work for her family and for herself, as well. In her stay there, she wouldn't know that it will change the plot twist of her life with the one she'll lastly think to be with. ...