MFY #23

317 9 2
                                    

"Saan ko po ilalagay ito, Ma'am?" Tanong nu'ng isang party organizer habang hawak-hawak 'yung tarpulin na pinagawa ko.

Napamaywang ako bago nagkamot ng batok at tsaka lumingon sa buong paligid.

"Doon nalang po sa may itaas ng pintuan papuntang kusina."

Nandito kasi kami sa likod ng bahay ngayon at inaayos 'yung mga dapat na ayusin dahil balak naming sorpresahin si Recca ngayong araw na 'to dahil kaarawan naman niya.

Inaayos ko 'yung mga lamesa't upuan. Kahit kasi na sabihin nating "Kami-kami lang naman. Malalapit na kaibigan at kakilala lang ang kasama." Hindi maiiwasang may isang mag-iimbita ng hindi mo naman talaga kakilala.

Nilapitan ako ni Primo na naka-busangot.

"Oh, anong ginagawa mo dito? Sinong kasama nu'ng dalawa?" Tanong ko dahil sa kanya ko pinapabantay 'yung kambal.

"It will just be quick, Ate Aily."

"Ano ba 'yon?" Tanong ko bago isinukbit sa likod ng tainga ko 'yung mga takas na buhok na napupunta sa mukha ko.

"Uh, how to do their milk? I saw that the water that was in their bottle is in eight ounce."

"Apat na takal ng gatas." Sabi ko kaagad.

Nakita ko naman siyang kumaripas kaagad ng takbo papunta sa itaas.

"Hi, Lay." Bati ni Jharen na kadarating lang ngayon.

Hindi ko na siya nabati dahil sa sobrang abala ko sa ginagawa ko.

"Wow, deadma ako ngayon." Sabi niya bago ako tinulungan sa pag-aayos. "Pumunta si Dior sa itaas, ah? Tutulungan daw si Primo kayna Dyelan at Dawsyn."

Tumango nalang ako at nag-ayos na lang ulit hanggang sa matapos kami.

Umalis na 'yung mga kasama naming nag-aayos kaya umakyat na kaming dalawa ni Jharen.

Narinig kong may umiiyak sa loob ng kuwarto kaya kaagad ko nang binuksan 'yung pintuan.

"Aily, si Primo 'yung nagpaiyak kay Ryker, hindi ako." Bungad ni Dior nang makita akong masama 'yung tingin sa kanilang dalawa na parehas na may hawak kayna Ryker at Reign.

"Don't put the blame on me, Kuya Dior! You made them cry!" Dipensa naman ni Primo na mas lalong ikinaiyak ni Reign.

Magsasalita pa sana sila nang sumigaw na ako. "WILL YOU TWO PLEASE PUT THEM ON THEIR CRIB AND GET THE HELL OUT OF THIS ROOM?!"

Mabilis pa sa alas-kuwatro silang nagsikilos at lumabas sa kuwarto.

Lumapit ako kayna Ryker at Reign na tumahan na din sa pag-iyak.

Kinuha ko 'yung mga bote nila na halos puno pa 'yung laman at tsaka ibinigay sa kanilang dalawa.

"Maligo kayo pagkatapos, ah?" Nakangiting sabi ko bago hinaplos 'yung pisngi ni Ryker bago 'yung pisngi ni Reign.

Natatawa ako habang tinitingnan ang kakulitan nilang dalawa lalo na nu'ng maubos nila 'yung gatas sa bote.

Lalabas na sana ako nang biglang pumasok si Jharen.

"Lay, sorry kay Dior." Tsaka siya tumawa.

Umiling ako. "Pasensiya na din kanina. Medyo pagod lang ako."

"Wala 'yon. Ano? Papaliguan mo na ba 'yung dalawa? First month nila ngayon, ah?"

Natatawa akong tumango. "Hindi ko kasalanan na gusto din nila sa twenty-two."

Pinaliguan na namin 'yung dalawa. 'Yun nga lang, mas mukha kaming naligo dahil sa kakaiyak nila.

"Hoy, Bakla. Bakit basang-basa ka diyaan?" Sabay kaming napalingon kay Dior na kakapasok lang dito sa kuwarto't may dalang tuwalya. "Magpunas ka nga." Tsaka niya lang inilagay sa ulo ni Jharen 'yung tuwalya't umupo sa tabi nu'ng kambal na mukhang iiyak na naman.

Maid For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon