MFY #02

923 22 8
                                    

Kinabukasan, nagising ako dahil sa tunog ng cellphone na ibinigay sa akin ni Kuya Bricks. Umupo ako sa may gilid ng kama at tsaka kinuha ang cellphone ko na nasa bed side table.

Mapapa-wow ka nalang talaga dahil para kang hindi katulong dito sa bahay na 'to. Kasi isipin mo ba naman na may sarili kang kuwarto at mababait pa 'yung mga amo mo-maliban lang talaga sa isa. Pero ayos lang. Hindi naman siya ang pinunta ko dito.

Sinumulan ko ng buksan ang mata ko at bumungad sa akin ang isang unregistered number.

09650123456
Calling...

Hindi na ako nagdalawang-isip na sagutin 'yung tawag dahil baka importante.

"Hello po?"

"Good morning, Ailyyyyyy! Kamusta ka na? Miss na kita! Sana nakatulog ka ng maayos."

Parang kilala ko kung kaninong boses 'yun pero magulo pa ang utak ko kaya hindi ko pa maalala kung kanino 'yun.

"Good morning din po. Sino po sila?" Siyempre dapat magalang ka kahit hindi mo kakilala. Ganyan ang turo sa akin ng mga magulang ko, eh.

"Nakakatampo ka na, Aily." Feeling ko din na naka-pout o kaya nakanguso ang kung sino mang tumawag sa akin.

"Sorry po. Kakagising ko lang po kasi. Hindi din po kasi naka-register ang numero ninyo, eh."

"Si Flynn 'to, Aily. Hindi mo ba ako na-miss? Ang galang mo talaga."

Humikab muna ako bago ko na-realize kung ano 'yung sinabi niya.

"Ang aga-aga mo naman manggising, Flynn. Hindi ba uso ang tulog sa'yo?" Tsaka ko pa kinusot-kusot ang mata ko.

"I just want to be the first person whose going to greet you. Masama na ba ang araw mo dahil sa pagtawag ko?" Lumungkot bigla 'yung boses niya kaya natawa ako.

"Ayos lang. Ganyan ka naman palagi 'di ba?"

Tumawa na rin siya... Sa wakas. Kasi ang hirap kapag siya 'yung na-bad mood sa amin. Daig pa ako kapag meron ako langya.

"Sige na. Good morning Aily! Work hard! See you soon! I miss you na!"

"Isang araw pa lang tayong hindi nagkikita, eh! OA mo!"

"Wala lang. Miss kita, eh. Bakit ba?"

"Wala lang. Hindi kita miss, eh. Bakit ba?" Tsaka ko na in-end 'yung call para maasar siya.

Nagdasal na muna ako bago nag-text kila Mama ng 'Good Morning! Amishyou na po!'

Tapos naka-recieve ako ng text galing kay Flynn na ikinatawa ko ng sobra.

From: Flynn na HINDI NAKAKALIPAD

Aily, gusto ko lang na malaman mong ayos lang sa akin 'yung ginawa mo. Pero gusto ko lang sabihin sa'yo na maghihintay talaga ako. Hihintayin ko na ikaw na mismo ang tatawag sa'kin HAHAASSUMINGKONAMAN. Hindi naman ako mangungulit para sagutin mo ako. Ayos lang sa akin na ma-friendzone mo kasi du'n naman talaga tayo nagsimula 'di ba? At tsaka Aily, pupunta pala ako sa Maynila ngayon. May reunion daw kami, eh.

'Yun lang. Nagpaalam lang ako para alam mo kahit hindi ka naman nagtatanong. I really like you, Aily.

Maid For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon