Mabilis na lumipas ang isang linggo na hindi ako inaaway ni Sir DR. Mas mabuti na nga 'yun, eh. Kaysa naman sigawan kami palagi. May respeto pa naman ako sa kanya dahil amo ko pa din siya.
Nandito kami ngayon sa isang private resort ng isa sa mga kamag-anak nila dahil reunion nga nila.
"Aily," tawag sa akin ni Flynn kaya napatingin ako sa kanya. "Huwag kang kakausap ng ibang tao mamaya bukod sa amin nina Tita Phebe. Baka may mang-ano sa'yo't mapatay ko." Tsaka niya ginulo ang buhok ko.
Nginitian ko siya. "Enjoy ka mamaya, Flynn."
Tumango siya. "Yoo too. But please, Aily. Alam kong friendly ka pero 'wag ka basta-basta nakikipag-usap kung kani-kanino."
Tumango ako. "Opo, Tay."
"Good. Bye na muna. I will just help Mom and Dad there. See you around, baby." Tsaka niya ako hinalikan sa pisngi na parang ikinapula ko pa. Shemay!
Nilapitan ako ni Primo at hinila-hila ang laylaan ng sayang suot ko.
"Bakit?" Tanong ko pero imbis na sagutin ako ng matino ay itinaas-baba niya lang ang kilay niya bago ako hinawakan sa kamay at hinila malapit sa puwesto nila.
"Aily, marunong ka ba lumangoy?" Tanong ni Sir RD na tinanguan ko naman. "Alright. Primo, get her rashguard and yours too so she can watch you."
Tumango naman si Primo bago ako hinila sa may banyo para makapag-palit na.
Binigyan niya ako ng kulay itim-ube na rashguard.
"You'll be my life guard for this day, Ate Aily." Sabi niya na parang sigurado na siyang mababantayan ko siya ng mabuti.
"Okay. Eh, ikaw? Ano'ng kulay 'yung sa'yo?" Kuryoso kong tanong tapos ay ipinakita niya ang kulay asul na may disenyong Batman.
Nagbihis na ako bago ko siya binihisan.
Nagtali ako ng buhok bago niya ako hilahin pabalik sa kanila.
"Mommy, can I borrow your phone?" Tsaka pa siya nagpa-cute sa Mommy niya na kaagad namang ibinigay ang gusto niya.
"Ate Aily. Can you took some pictures of us?" Tsaka niya ako hinila sa kung saan-saan tapos nagpapa-kuha siya ng litrato.
Pabalik na kami sa cottage nila nu'ng may tumamang lalaki sa akin ramdam ko pa 'yung kaunting pag-palo niya sa pwetan ko.
Anak ng-?!
"Sandali lang, ha." Tsaka ko ibinigay kay Primo 'yung cellphone ng Mommy niya.
"Hoy," Tawag ko du'n sa lalaking nakatalikod sa akin na may kasamang babae.
Pareho silang lumingon sa akin pero 'yung lalaki lang 'yung lumapit. "Yes, Miss?"
"Huwag mo akong ma-yes-yes miss diyaang animal ka." Tsaka ko siya tinuro. "Sa susunod na may makita pa akong binobosohan ka, tandaan mo, hindi lang bugbog ang aabutin mo. At hindi ako nagbibiro."
Ipinag-krus niya ang braso niya. "Tapos? Ipapapatay mo ako? Your just a stupid maid." Tsaka niya pa ako tiningnan mula ulo hanggang paa. "Yet you have that body." Tsaka pa siya kumagat-labi.
Pahakbang pa lang ako para masampal siya ay nasuntok na siya ng lalaking nasa-harapan namin.
Hinawakan ko si Primo para hindi siya gaanong matakot or tumakbo ng hindi man lang kami nakakapagpasalamat sa lalaking tumutulong sa amin o sa akin ngayon.
BINABASA MO ANG
Maid For You
Teen FictionAily, a simple girl all the way from the province who came in the city to work for her family and for herself, as well. In her stay there, she wouldn't know that it will change the plot twist of her life with the one she'll lastly think to be with. ...