MFY #18

336 15 22
                                    

Pagkatapos nu'ng nangyari sa amin ni Recca, umiwas ako dahil sa pagkapahiyang nararamdaman ko kahit na gusto niya akong makausap, iniiwasan ko siya.

February na ngayon at hindi ko alam kung kakayanin ko bang panindigan na iwasan siya o hindi kausapin.

Dahil may isang linggong break kami sa MIA, napagdesisyunan nila Sir EJ at Sir Dior na mag-overnight sa isa sa mga resort nila pero hindi ako kaagad pumayag kasi alam kong sasama si Recca... Pero nagkamali pala ako. Hindi siya sasama kung hindi ako sasama.

"Come on, Ate Aily. Please? Just for a week?" Ngumuso pa si Primo sa akin pero umiling ako.

"Masama kasi 'yung pakiramdam ko, eh. Nandiyaan naman si Ate Scarlet mo at si Kuya Bricks." Sabi ko sa kanya pero bumusangot lang siya. "Sasama ako kung maganda ang pakiramdam ko, Primo. Pero hindi talaga, eh. Pasensiya na, ah? Bawi nalang ako kapag bumalik ka na." Tsaka ko siya hinalikan sa pisngi niya.

Niyakap niya ako. "Okay. I'll just buy you so many souvenir there. And in exchange, you'll cook some pasta for me when I got home."

Tumango ako. "Areglado, Boss Primo." Tsaka ko ginulo ang buhok niya.

Kahapon lang sila umalis at heto ako ngayon, nangangalkal ng pwede kong makain sa ref nila dahil bigla nalang akong nagutom.

"Finding something you can't find?" Halos mapatalon naman ako nu'ng biglang sumulpot si Recca sa tabi ko.

Umiling ako at hindi siya kinausap o tinapunan man lang tingin.

"You're frustrating me, Hon. I'm so worried because you're ignoring me for almost six weeks!" Halata naman sa boses niya 'yung sinasabi niya pero hindi ko talaga gustong makipag-usap sa kanya.

"What do you want to eat?" Biglaang sabi niya kaya napatingin na ako sa kanya.

"Ka-kaya ko naman magluto." Sabi ko pero ipinag-krus niya lang ang mga braso niya sa may dibdib niya kaya sumuko na ako para sabihin ang gusto ko. "Kahit ano basta may kase. Kaso... Wala na kayong keso diyaan sa ref ninyo... Naubos ko na ata nu'ng nagluto ako nu'ng nakaraan." Tsaka ako nag-baba ng tingin. Bigla-bigla nalang kasi akong nananakam sa keso. Ewan ko kung bakit.

Naramdaman ko 'yung kamay niyang umookupa na ngayon sa magkabilaan kong pisngi at tsaka iniangat para makita niya ng buo ang mukha ko.

"Look, Hon. If I just know that you were craving for cheese, I should have buy you tons of it when I go to the supermarket." Tsaka niya ako hinalikan sa labi kaya napanguso nalang ako. "I'll just go to the supermarket, okay? Don't do house hold chores."

"Pero sumama silang lahat-"

"Don't overwork yourself." Putol niya kaagad sa sinasabi ko kaya tumango nalang ako dahil tinatamad akong kumilos. Para ngang gusto ko nalang humilata sa kama buong araw, eh.

Nang makuha na niya lahat ng dapat niyang kunin, nagpa-alam na siyang aalis siya. Sakto naman na pagka-alis niya, humilab ang sikmura ko dahilan para mapatakbo ako sa may lababo at dumuwal pero wala namang lumalabas na kahit ano.

Uminom ako ng tubig galing sa ref nila para mahismasan ng kaunti. Ilang linggo na ring ganito 'yung pakiramdam ko kapag umaalis siya tapos nagpapaalam sa akin. Parang baliw lang.

Hinintay ko siyang dumating na may dalang isang supot ng groceries pero hindi ako nakakita ng keso kaya hinarap ko siya.

"Give me a kiss first. Ang tagal kitang hindi nakakasama kasi puro ka iwas." Tsaka siya ngumuso dahilan para parang may kung ano sa tiyaan ko na gumalaw.

Maid For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon