MFY #07

414 14 4
                                    

This chapter may contain something not suitable for 18-years below. Please do read at your own risk.

vd.bv

Nagising ako dahil sa pag-ring ng cellphone ko.

Nakapikit pa ang mga mata ko habang kinakapa 'yon sa may tabi ng kama ko.

"Hello po?" Kaagad na sagot ko sa tumatawag. Isa lang naman ang kilala kong tatawag sa akin ng alas-sais ng umaga para lang gisingin ako.

"Nagising ba kita, anak?"

"Hindi naman po, Ma. Medyo inaantok pa po ako, eh." Tsaka na ako nagdahan-dahan sa pag-upo.

"Ganu'n ba? Bibilisan ko nalang ang pagtawag ko... Kamusta ka na, Aily?"

"Ayos na po ako. Kayo po diyaan? Kamusta? Si Cassandra po? Si Kuya Bricks? Ikaw po tsaka si Papa?"

Tumawa muna sa kabilang linya si Mama bago ako sinagot. "Nakapag-enroll na si Cassandra kahapon. Ang Kuya Bricks mo naman, may pasok ngayon sa call center. Ako naman, magluluto na para may ma-itinda ako. At ang Papa mo, nandu'n sa palengke. Inutusan kong bumili ng sangkap sa paggawa ng puto at kutsinta."

Napa-nguso ako bigla. "May yema po, Ma?"

Humalakhak si Mama sa kabilang linya dahilan para mas mapabusangot ako. "Ang daya."

"Hindi ba't tinuruan naman kitang gumawa ng yema? Bakit hindi ka na lang muna magluto diyaan. Tapos sa Pasko'y dito kayo ni Primo."

"Sige po, Ma. Magluluto nalang po ako." Tsaka ako ngumiti bago tumingin kay Primo na mahimbing pa din ang tulog. "Pero po Ma..."

"Ano 'yon, anak?"

"Baka hindi dito magdiwang ng Pasko si Primo at ang mga Sanchez." Medyo nalungkot ang tono ko habang sinasabi 'yon.

"Sana nga'y dito naman sila. Para naman maranasan nila ang Paskong Pinoy. Subukan mo nga silang dalhin dito para makapanood ng ligligan."

Napatango nalang ako. "Ang layo pa naman po ng Pasko, Ma. Advance niyo naman po."

Bago pa makasagot si Mama ay narinig ko na ang boses ni Papa na mukhang kakadating lang dahil ang dami niyang sinasabi na kesyo wala daw ganito, ganyan sa palengke ang mga ipinabili ni Mama sa kanya.

"Aga-aga naman po ni Tatay. Parang kulang pa po sa lambing, ah?" Tsaka ako tumawa.

"Ikaw talaga, Aily. Osya, sige na. Bumangon ka na diyaan at nang makapag-trabaho ka na at hindi masayang ang pinapa-sweldo nila sa iyo."

"Ma, pwede po bang pakidalaw si Flynn sa simenteryo mamaya? Ku-kung pwede lang po." Nahihiyang sabi ko pa kahit alam kong gagawin naman nila.

"Sige, Aily. Ipagdadala ko na din ng kutsintang may yema at kinayod na niyog na paborito ninyo pareho. Mag-iingat ka diyaan. I love you, Anak."

Maid For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon