MFY #06

485 18 0
                                    

Mag-iisang buwan na simula nu'ng mamatay si Flynn dahil sa kidney failure, pero sariwa pa din sa akin ang lahat. Para akong binubuhusan ng malamig na tubig tuwing naalala ko 'yung mukha niya na tahimik lang at hindi na humihinga.

Nag-diwang ako friendsarry namin ng hindi ko man lang magawang makangiti ng maayos kayna Sir EJ, Sir RD, Ma'am Scarlet, Primo at sa parents nila.

"People come and go." Lamya akong napatingin sa nagsalita.

"Si-Sir RD,"

Nginitian niya ako. "Mag-bihis ka na,"

Kumunot ang noo ko. "Saan po tayo-"

"We will enroll now, Ate Aily!" Masayang pahayag ni Primo habang tatalon-talon pa.

Walang gana akong tumango. "Mag-aayos lang po ako." Pagpapaalam ko bago dumiretso sa kuwarto ko at naligo bago magbihis ng ripped jeans at oversized shirt na galing kay Flynn.

"Happy Friendsarry, Aily! Aww! Dati ang liit mo pa lang, ah? Ngayon, takte. Laki ng pinagbago mo pero atlis may isang hindi nagbago."

Kumunot ang noo ko. "Ano naman 'yon?"

"Ano pa ba?" Tsaka pa siya nag-pose akala mo maman ikina-guwapo talaga niya.

Hinawakan niya 'yung kamay ko at binigyan ako ng singsing.

"Hoy!" Sabi ko tsaka ko hinampas ang kamay niya. "Nanligaw ka ba?"

Umiling siya. "We're still friends, right? And you know my condition. You never leave me when I needed someone to talk to. Palagi kang nandiyaan, Aily. Kaya 'yung singsing na 'yan, it will represent our friendship. Hindi mo puwedeng tanggalin kahit na ikakasal ka na. Sa akin man o hindi." Tsaka niya pa ginulo ang buhok ko bago pinisil ang magkabilaang pisngi ko.

Napapikit nalang ako ng mariin bago ko naramdaman 'yung mga luha ko na mag-unahan sa paglabas na kaagad ko rin namang pinunasan.

Tumayo na ako at lumabas ng kuwarto ko at pumunta sa sala kung nasaan sina Primo at hinihintay ako.

"Oh, bakit ganyan na naman ang hitsura mo?" Tanong ni Sir DR na hindi ko sinagot.

Bumaling ako kay Sir RD. "Aalis na po ba tayo niyan?"

Tumango siya. "Let's go."

Magkahawak-kamay kami ni Primo papunta sa van nila hanggang sa loob.

"Ate Aily, can you play with me later?" Biglang tanong niya na tinanguan ko naman.

"Kaya ko naman." Tsaka ko siya nginitian.

"You sure?"

"Oo naman."

"After that, let's visit Flynn's grave." Sabi naman ni Sir RD na siyang nagmamaneho.

"Yeah. Para naman hindi na matamlay 'yung isa diyaan. Dinaig pa 'yung buntis, eh." Komento naman nu'ng kakambal niya.

"Recca!" Saway na ni Sir RD.

"What?"

Tahimik lang ako buong biyahe hanggang sa makita ko na ang gate ng isang univeristy na may initials na 'MIA'.

Maid For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon