"Ahh! Aray!"
"Huwag ka kasing malikot."
Ako? Malikot? Eh, halos baliin niya 'yung buto ko sa paa, eh.
"Ano po bang kasalanan ko sa'yo, ha? Ang sakit mo po magmasahe! Sabihin mo lang po kung may kasalanan po ako, ah? Pagbabayaran ko po, 'wag ka pong mag-alala."
Tinawanan lang niya ako. Kanina pa 'tong si Sir Dior na tatawa-tawa habang minamasahe 'yung paa kong wagas kung mamulikat.
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa kanya. Kung si Sir Recca 'yung nandito, makakatulog na naman ako.
"Nasaan pala ang parents mo, Aily?" Tanong niya habang nakatingin sa akin bago ulit sana mag-uumpisang magmasahe pero hinampas ko na siya.
"Umalis na po sina Mama, kanina pa. Ikaw naman po, matulog ka po, ah? Bigat po ng kamay mo, eh."
"Taga-saan kayo sa Pampanga?"
Kumunot ang noo ko. "Uhm, madami po akong bahay sa Pampanga, eh." Tsaka ako tumawa.
Siya naman ngayon ang kumunot ang noo. "Mayaman kayo?"
Natawa ako bago umiling. "Hindi po! Madami lang po talaga kaming kamag-anak kaya madami din po akong bahay doon."
"Saan-saan naman? Sino-sino nakatira?"
"Cencus ka po?" Medyo bored na tanong ko.
"I just want to know. Anything wrong?"
Hindi ko na pinansin 'yung sinabi niya at inisip nalang 'yung mga bahay ng mga Lolo at Lola ko doon.
"Saan ba ako magsisimula?" Bulong ko pero parang narinig niya.
"Start with the First District."
"Uhm, sa Magalang po ako nakatira sina Mama, Papa, Cassandra at Kuya Bricks." Sagot ko na tinanguan naman niya.
"Kaya pala." Nakangiti at tatango-tangong sabi niya.
"Kaya pala po ano?"
"Taga-Magalang ka pala."
"Ano naman po ngayon?"
Ginulo niya ang buhok ko. "Masyado kang Magalang, Aily. Surely. But, let's move on the Second District."
Inalis ko muna ang kamay niya sa ulo ko bago nag-isip.
"Porac po."
Tumango ulit siya. "Sa Third?"
"Saang barangay po dapat ang tanong kapag sa Third Distict na."
"Hmmm, saang barangay?"
"Sindalan, Calulut, San Agustin, Saint Jude, Dolores, at Telebastagan!" Masayang sabi ko na parang nakasali sa contest.
Natawa siya. "Gala ka ba doon?"
Tumango ako habang natatawa.
"Next, Fourth District?"
Nag-isip muna ako bago tuluyang sumagot. "Uhm, Minalin, Santo Tomas, at tsaka Apalit."
"Apalit?" Nakakunot-noong tanong niya. "Anong meron doon?"
"Doon po sina Lolo at Lola ko sa side po ni Papa." Sabi ko bago ngumuso.
"Eh, sa lahat ng 'yon, saan 'yung pinakapaborito mo?"
"Sa Apalit po." Tsaka ako tumingin sa basket na nakalagay sa lamesang katabi ng kama ng ospital. "Kasi po maraming prutas doon. Tulad po ng mangga, atis at kung ano-ano pa."
"I see."
Magtatanong pa sana siya nu'ng biglang may pumasok at sumigaw.
"Ailyyyyyyy!!! Owemjiiii!!! Kamusta ka naaaaaaa??!"
BINABASA MO ANG
Maid For You
Teen FictionAily, a simple girl all the way from the province who came in the city to work for her family and for herself, as well. In her stay there, she wouldn't know that it will change the plot twist of her life with the one she'll lastly think to be with. ...