MFY #16

344 17 13
                                    

Natapos namin 'yung natitirang walong simbang gabi na parang normal lang ang lahat lalo na ang mga insekto sa tiyaan ko na palagiang nagpapa-piyesta kapag lumalapit siya o may ginagawang kakaiba.

Nag-aayos kami ngayon ng gamit dahil dumating na sina Lolo Elias at Lola Stevie kanina pagkatapos naming magsimba dahil Pasko ngayon at kapag Pasko, may reunion kami. Sayang lang at hindi nakasama sina Sir EJ, Sir Dior at Jhanice dito.

"Oh, nananu tamu pa? Aily, sopan mu ne pa i Apu mu keta bangkanta makapanalese tanang pamangan keti." Utos ni Lolo Elias na tinanguan ko naman bago lumingon kay Recca na tumango din sa akin.

(Transeyo: Oh, ano pang ginagawa natin? Aily, tulungan mo na muna ang Lola mo doon para makapag-ayos na tayo ng pagkain dito.)

Pinuntahan namin si Lola Stevie na nagluluto ng Sisig sa isang kawali at nu'ng mapalingon sa gawi namin, tinawag niya ako kaagad para sabihin kung ano ang gagawin ko.

Binalikan ko si Recca na tinitingnan 'yung ibang sangkap doon sa lamesa pero huminto nu'ng dumating ako.

"Pwede kitang utusan?" Medyo nahihiya kong tanong na tinanguan naman niya.

"Ano ba 'yon?"

"Uhm, pwede kang kumuha ng dahon ng saging doon sa may labas? Hindi ka naman talagang lalabas sa daan. Lagpas lang ng garahe nina Lola." Tsaka ako ngumuso.

Ginulo niya 'yung buhok ko. "No problem with that." Tsaka na siya umalis sa kusina.

Halos mapatalon naman ako nu'ng may sumundot sa tagiliran ko. "Lola Stevie naman po, eh." Tsaka pa ako sumimangot.

"Nanu na? Atin na ka naman? Ayari mu ne wari ang pamag-aral mu?" Tanong niya na halatang sinasamahan ng pangangantiyaw.

(Transeyo: Ano na? Meron ka na din? Natapos mo na ba ang pag-aaral mo?)

"Ano po pala 'yung iluluto ko, Lola Stevie kong maganda?" Tanong ko para ilihis ang usapan namin na mukhang nakuha naman niya dahil sinabi niya rin na ako ang magluluto ng biringhi na paborito ko.

Maya-maya pa, dumating na si Recca na may dalang dalawang dahon ng saging at pawis na pawis kaya kinunutan ko siya ng noo.

"Bakit pawis na pawis ka?" Tsaka ko binigay sa kanya 'yung Good Morning towel na kakakuha ko lang sa itaas para sana ipangsapin sa likod ko pero mukha namang mas kailangan niya kaya sa kanya na.

Pupunasan ko na sana siya nu'ng biglang tumikhim si Lola Stevie dahilan para ngitian ako ni Recca bago siya tumango.

"Lola Stevie, pasensya na po at natagalan ako. Nagpakuha din po kasi si Lolo Elias para sa boodle fight na gagawin daw po natin mamaya." Paliwanag niya kaya nanahimik na ako sa isang tabi at ipinagpatuloy ang paghihiwa ng mga kailangan kong sangkap para du'n sa biringhi.

"Huwag ka sa akin magpaliwanag, Hijo. Diyaan sa apo ko dahil siya ang nagtanong. Hindi ako." Sabi ni Lola Stevie pero hindi na ako lumingon dahil sa hiyang nararamdaman.

Nilapitan ako ni Recca at tsaka niya hinawi ang iilang hibla ng buhok ko na nawawala sa pagkakatali at tsaka siya inayos ang buhok ko gamit lang 'yung daliri niya at 'yung sanrio na nakatali doon kanina.

"Let me help you, I guess." Sabi niya at akmang kukunin na sana sa akin 'yung kutsilyo na hawak ko pero biglang nagsalita si Lola Stevie. Mukhang papahirapan niya si Recca ngayon. Hay.

"Hijo, marunong ka ba gumawa ng embutido?" Tanong ni Lola Stevie sa kanya kaya napalingon din ako kay Recca na tumango naman.

"Opo. Madali lang naman pong lutuin 'yon. Iyon po ba ang ipapaluto ninyo sa akin?" Tanong niya pa dahilan para mahiwa ko ang kamay ko at maihulog ko ang kutsilyong hawak ko. Ano ba naman kasing alam niyang pasabi-sabi ng gano'n?! Ayan tuloy! Nagpapatayan na naman 'yung mga insekto sa tiyaan ko sa sobrang gulo!

Maid For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon