"Look, Aily. Can you see Recca suffering again? He had lost a child before."
Tumango ako. "Alam ko. Dahil nga 'yon sa akin, eh."
Umupo siya sa tabi ko habang umiiling. "Both of you doesn't know about that. And now, he needs your help. Isa pa, hindi niya gagawin 'yon kung walang malinaw na dahilan. But as what I can see, he wants you back to him. He wants to have a family with you."
Nakita ko na siya mawasak. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ulit na makita siyang gano'n.
Niyakap ko ang mga tuhod ko bago ko narinig na magsalita ulit si Flynn. "He trust you for doing that. It had been three years. And I know."
Tumingala ako sa kanya at kinunutan siya ng noo dahilan para ipagpatuloy niya ang pagsasalita niya.
"I know that you love him and you're just afraid."
Tumango ako at hinayaan nalang siyang magpaalam sa akin bago ako gumising.
Bumalik sa akin lahat 'yung nangyari simula nu'ng makunan ako.
Tatlong taon. Tatlong taon ko siyang nakikitang nahihirapan dahil sa pinapakita ko sa kanya. Tatlong taon niya akong gustong kausapin sa maayos na paraan pero hindi niya magawa dahil sa mga sinabi ko noon.
Napangiti ako ng mapait kasabay ng pagtulo ng iilang butil ng luha sa pisngi ko.
Naramdaman kong gumalaw si Prino sa tabi ko kaya nagpunas na ako ng luha bago siya niyugyog para gumising.
"Kapag hindi ka bumangon diyaan, hahampasin kita." Seryosong sabi ko kaya dahan-dahan na siyang bumangon at tsaka ako niyakap.
"I'm still sleepy, Ate Aily." Tsaka pa siya humikab kaya natawa ako.
"May klase ka pa, hindi ba? Kaya tara na sa baba." Tsaka ko ginulo ang buhok niya bago tumayo pero bumalik lang siya sa pagkakahiga niya doon sa kama kaya pati ako bumalik para pitikin ang noo niya. "Aalis ako kapag hindi ka pa bumangon diyaan. Tapos hindi na tayo-"
Dahil sa mabilis niyang pagbangon, nauntog pa niya ako. "I'm awake now! I'll just take a bath and go downstairs afterwards. I love you, Ate Aily!" Halos magmadali pa siya sa paglabas sa kuwarto ko papunta doon sa kuwarto niya na hindi naman niya tinutulugan.
Habang namimili ako ng isusuot sa tukador, biglang may kumatok sa nakaawang naman na pintuan ng kuwarto.
Paglingon ko, nakita ko si Recca na prenteng nakatayo doon habang ang mga kamay ay kakatok pa sana."Uh, about what I said last night, I'm sorry. I-I just don't know what to say... and act because of the problem. And it's fine if you wouldn't agree with what I was asking for. It's my fault afterall. I shouldn't be bugging you." Tsaka siya tipid na ngumiti pero halata sa mga mata niya na malungkot siya.
Hindi ako nakasagot dahil sa pagkabigla at dahil na rin sa takot na baka mawasak ko na naman siya.
"Uhm, I will go downstairs. Good luck to your practice." Nginitian niya ako bago siya pumihit pero pinilit ko 'yung sarili ko na tawagin siya.
"Re... Recca." Huminto siya sa paglalakad at tsaka tumingin sa akin na nakataas ang dalawang kilay.
Lumapit ako palapit sa kanya pagkatapos kong isara ang tukador. Hinawakan ko 'yung kamay niya at tsaka isinuot doon ang isang pulseras na gawa sa sintas ng sapatos na kulay berde na may numerong '11' sa gitna tapos sa magkabilaan na dulo no'n, pangalan nu'ng paborito niyang manlalaro.
BINABASA MO ANG
Maid For You
Teen FictionAily, a simple girl all the way from the province who came in the city to work for her family and for herself, as well. In her stay there, she wouldn't know that it will change the plot twist of her life with the one she'll lastly think to be with. ...